NGISING-ngisi si Seymor nang makitang limang minuto na lang ay tapos na ang trabaho niya para sa araw na iyon. Halos natapos rin niya ang trabaho niya dapat kahapon at pati na rin ngayon. Pero kahit puwede naman siyang mag-overtime para kompletong matapos ang mga iyon ay mas gusto niyang tapusin na lang ang lahat bukas. He wanted to call it a day. Pero halos isang minuto na lang bago tumunog ang bell na hudyat na tapos na ang oras ng trabaho ngayon ay bumukas ang pinto niya. Bahagyang lumakas pa ang t***k ng puso niya dahil inisip niya na baka si Luna. He knew her so much already. Masyado itong sabik sa kanya. Kaya lang ay bumagsak kaagad ang mood niya nang makitang hindi iyon si Luna. It was Cato… Again. “What do you want?” Dahil sa disappointment a

