✓>B4YARANG BABAE<✓ #CHAPTER_47 #sacrifice Isang pangyayari ang hindi inaasahan ng lahat na sa araw ng kasal nila Jack at Mariposa ay may isang taong magbubuwis ng buhay, si Jack. Si Mariposa sana ang balak barilin ni Carmela kaso hinarang kaagad ni Jack ang sarili kay mariposa para mailigtas niya ito. Tinamaan sa likuran si Jack na kaagad niyang ikinatumba. Mabilis namang tumakbo palayo si Carmela para takasan ang kasalanang ginawa niya. Hindi na nila napansin pa kong saan na napunta si Carmela dahil ang lahat ay nakatuon ang pansin sa nakahandusay na si Jack, maging ang mommy at daddy nito ay natuliro sa nakikitang kalagayan ng kanilang anak. Kinuha ni Tristan ang sasakyan nila para isakay doon si Jack para maitakbo kaagad sa ospital. Panay iyak naman si Mariposa habang hawa

