BAYARANG BABAE #CHAPTER_29 HABANG nagmamasid si Mariposa sa labas ay doon niya din napansin ang labas pasok na mga tao, puro lalaki ang nakikita niya; karamihan din sa mga napansin niya ay may edad na ang iilan sa mga iyon at kakaunti lamang ang mas bata na tantya niya ay nasa edad 25 pataas. May mga lumabas din galing sa loob may mga babae ng kasama, sa kabilang banda naman meron din siyang nakikita sa labas at loob ng kotse na hindi nakasara habang naglalampungan. Nandiri man pero tiniis ni Mariposa ang mga nakikita niya mukhang tama nga ang naiisip niya na bahay aliwan ang dinalhan sa tatlong Empleyado niya. Maya-maya pa ay may tatlong kotse naman ang dumating, tila bigatin ang mga ito dahil may mga tauhan na nakasunod sa madaling salita bantay. Pumasok ang mga ito sa loob na agad

