Kinabukasan. Nagising ako ng maramdaman ang hininga ni kuya sa leeg ko. Dumilat ako at nakita kong nakayakap si kuya sakin at yung muka niya nasa leeg ko nakasiksik. "Kuya!" mahinang tawag ko sa kanya. Ngunit ang himbing ng tulog niya. Hinawi ko nalang yung buhok niya at pinagmasdan lang siya. "Kuya gising na!" aya ko sa kanya. "Hmmm!" Ungol niya. "Halika na tayo na!" sabi ko ngunit di parin siya tumayo kaya dahan dahan ko siyang inusod at tatayo na ako ng bigla niya akong hinatak at niyakap ulit. "Kuya magluluto na ako!" sabi ko at tinulak yung kamay niya. "Mamaya na!" sagot niya. "Matulog ka na muna! Ako na ang magluluto!" sagot niya "Mamaya na!" at hinigpitan niya pa ung yakap niya. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod nalang. Bumalik na lang ulit ako sa pagtulog. Nagi

