Nadischarge na ako at tinulungan na ako nila mommy sa mga gamit ko. Sumakay na kami sa kotse pauwi ng bahay. Pagkadating namin ay inalalayan na ako nila papasok at dinala na sa kwarto ko. "Ok na po ako Yaya! Salamat na lang po!" Sabi ko sa kanya at pumasok na sa kwarto ko. Binuksan ko yung walk in closet ko at kinuha ang mga damit. Inilagay ko yung nga damit ko sa maleta ko at isinara na ito. Itinago ko muna ito sa gilid at tinakpan ng tela dahil may kumakatok sa pintuan ko. Agad akong lumapit dun at binuksan iyon. "Kumain ka muna para bumuti na yung lagay mo!" Sabi ni Mommy at dinala yung pagkain sakin. "Salamat po Mommy!" At inabot ko na. Lumabas na siya at sinara ko na yung pinto at kinain ko na agad yung pagkain. After nun ay hinintay ko munang makatulog ang lahat bago ako

