SHANICKA's PoV *bzzzzzzzzzbzzzzzbzzz* Pinatay ko agad ang alarm ko at umalis sa kama. Dumeretsyo ako sa cr para makaligo, pagkapasok ko ay lumingon ako sa salamin at nakitang medyo maga ang mata ko dahil kakaiyak kagabi. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na agad ako ng uniform ko at nag ayos ng sarili. Pinili kong magsalamin ngayon at hindi mag contact lens, ngayon ko nalang ulit na suot 'tong salamin ko. Lumabas na ako ng kuwarto at bumaba papunta sa kusina. Naabutan ko si manang na nag huhugas ng pinggan, umupo na ako sa upuan sa dining room. Naka hain na ang almusal ko kaya kumain na ako. "oh Dwayne, pinapasabi ng mom mo na pumunta ka daw sa ospital pagkatapos ng inyong klase." "sige po, sasama po ba ulit kayo?" tanong ko at kumain ng pancake. "hindi na ako makakasama, mar

