Pasukan na!! nakita ko na nataranta rin si Blake dahil palabas na si Juaquin, maingat akong umalis sa puwesto na pinagtataguan ko at tumakbo papunta sa hagdanan. nang makita ko na si Ethan ay huminto muna ako sa harapan niya. hingal na hingal ako dahil sa dulo ng building pa yung CR. "Oh hingal na hingal ka Nicka." "K-Kasi nag bell .......na..... Tara na punta na tayo sa room." tugon ko habang naghahabol ng hininga. nang nagsimula na kaming maglakad ay may tumawag samin. "Ethan! Shanicka!! Hintayin niyo 'ko!!" lumingon kami at nakita si Blake na tumatakbo papunta samin. Pumagitna siya at inakbayan kaming dalawa. Inalis ko ang braso niya sa mga balikat ko dahil malapit na kami sa room at baka mamatay ako sa mga titig ng kaklase ko. "bilisan na natin, baka magsimula na ang klase" s

