SHANICKA's PoV Pauwi na ako ngayon at nakasakay sa aming kotse. Hanggang ngayon ay nasa isip ko parin ang mga nangyayari. Bakit ganon sila umakto kanina? May iba talaga eh... "Ma'am Dwayne andito na po tayo" napatigil ako sa pag iisip ng mag salita si kuya Edgar at pinagbuksan ako ng pinto. Nang makalabas na ako ay pumasok na agad ako sa bahay at naabutang wala pa sila Mom. "Oh Dwayne, mag ayos ka daw sabi ng Mom mo." salubong sakin ni manang. "Bakit daw ho?" tanong ko at nagmano sakanya. "May pupuntahan daw kayong party" napa tango nalang ako. "susunduin ka daw niya maya maya, kaya magbihis ka na." nakangiting sambit ni manang. "sige po aakyat na ho ako." Umakyat na ako papunta sa kuwarto ko at ibinaba ang bag ko, naupo muna ako sa kama nang sandali at dumeretso sa closet ko. Eh

