Nakarating na kami sa paruruonan namin ng matiwasay. Buti naman at nananahimik lang si Dennise the whole-time kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na mag-ipon ng lakas na loob. Panigurado kasi na baka maduwag ako na harapin si Karie dahil sa nagawa ko pero bigla rin akong napaisip. Bigla lang pumasok sa aking isip na why not bawian si Karie sa mga nangyari? Gusto kong paglaruan muna si Karie, ‘yon ang napagdesisyonan ko after a few hours. At bago kami makababa ay hinawakan ko ang kamay ni Dennise na siyang hindi inaasahan nito. Nagulat ko tuloy siya sa aking ginawa. Hindi ko kasi talaga siya kinausap man lang after naming umalis sa school. Tapos hindi ko rin siya hinahawakan, ngayon lang. Gusto ko lang masanay siya sa akin para hindi awkward na gawin ang balak kong gawin mamaya. Baka kasi

