It's been 2 days after ng umalis na lang bigla si Eris sa school nila. 2 days din nababahala ang mga kakilala niya kung bakit hindi na ‘to nagpaparamdam pa pati phone nito halatang naka-off dahil hindi na ma-contact pa. Hindi nila alam kung saang lupalop na naman ‘to ng Pilipinas o sa mundo napunta pero may mga bumabagabag sa kanila na sana hindi tama. Ganito rin kasi ang nangyari noong mga panahon na hindi pa ‘to naaksidente at nagka-amnesia. Ganitong-ganito rin ang nangyari kaya hindi nila maiwasan na makaramdam ng kaba. Para kasing nauulit na lang muli ang nangyari rati. Like, history repeats itself, ikanga nila. "Where is she?” tanong ni Lea. “Kinakabahan ako. Parang naulit lang." Sabay salampak nito sa sofa ng Student Council Office. Lahat ng mga Student Council Officer ay

