Nakaupo lang ako sa swivel chair na na rito sa library habang nakatingin sa kambal ko na prenting nakaupo lang sa sofa habang nakatingin sa akin nang mariin. Kanina pa niya ako tinititigan pero hindi ko naman pinapansin. Ngayon ko lang din sinalubong ang kaniyang tingin nang mapansin ko na tumatagal ang pagtitig niya na hindi naman usually niya ginagawa minsan. Besides, ganiyan talaga siya lately dahil sa prank na ginawa ko sa kaniya. Pati girlfriend niya ay dinamay ko pa kaya ganiyan siya ngayon. Akalain mo sa tatlong araw na pamamalagi namin dito ay malapit na siyang ma-fully recover at alam ko kung sino ang source ng strength niya. No other than Dennise na nakaupo na rin sa tabi nito kanina pa. Mukha na kasing tuko ‘tong kambal ko sa isa, makayakap wagas parang mawawala si Dennise p

