05 BKEX

2185 Words
Nangangati na akong batukan ang kaharap ko ngayon dahil paulit-ulit na lang ang takbo ng usapan. Hindi man lang magawang makausad. Paulit-ulit na lang din sagot ko na hindi man lang niya ata kayang intindihin. Pero dahil siya ang may-ari ng school na 'to kailangan ko siyang respetuhin. Lalo na't presidente pa rin ako sa school niya at wala aa bokabularyo ni Karie na bumastos ng isang tao kahit minsan nasasagad pasensya niya. Besides, my disguise will blow up if gagawin ko man ‘yon. Sa aming dalawa ni Karie I am sure na ako ‘yong tahimik pero bastos na nilalang though it depends naman talaga sa taong kaharap ko. Nakakasakit talaga ako ng damdamin ng tao kahit hindi ko pigilan lalo na pag verbal. Nasanay lang talaga ako na maging prangka because I hate flowery words.   It is better to be hurt sa katotohanan rather than be happy sa kasinungalingan.   Aished! Bakit naman kasi ako nasangkot sa ganito. Kasalanan kasi talaga ng taong nagtangkang patayin ang kapatid ko. Tahimik na sana buhay ko sa Europe. Hindi na sana ako nagpapanggap ngayon. Kainis.   "Are you really sure about this, Ms. Xena?" She asked over and over again. "I must say na kakagaling mo lang sa isang accident baka mapano ka pa." Paulit-ulit na sabi niya sa akin.   Kunti na lang talaga. Masasaid na niya pasensya ko. Gusto ko na mapakamot sa kilay ko sa irita but I restrain myself not to do so.   "Mrs. Buenavista, paulit-ulit na niyo na po 'yan tinatanong at sinasabi. Iisa pa rin ang magiging sagot ko riyan.” Nagtitimpi na sabi ko sa kaniya.   Nakita ko pa paano siya nagitla. Bakas sa mukha niya ang gulat at pagkalito. Naninibago rin siya sa akin na nasisiguro ko.   “Yes, I will do my part as a president of this school." Paninindigang sabi ko. "As long as buhay pa ako ay pamamahalaan ko ang school na 'to. Even though nasangkot ako sa isang aksidente ay hindi balakid 'yon para gawin ko ang aking parte." Habang seryoso ko siyang tinititigan sa kaniyang mga mata. "Hindi ako isang klase ng tao na mang-iiwan sa ere. Babalik lang kung tapos na."   At the back of my mind binigyan ko na siya ng death glare. Hindi makaintindi kasi tapos paulit-ulit lang ang nangyayari at tanong. Kinukutuban tuloy ako sa kinikilos niya. Hindi ko alam pero allergy talaga ako sa mga katulad niyang tao. Kasi alam ko, sooner or later ay baka sakmalin ako. Lahat naman ng tao rito ay suspect ko pero hindi ko alam kung sino sa kanila ang totoong may sala sa nangyari kay Karie. That's why I need to be careful as much as possible kasi ayaw kong umuwi na walang napala. I don't want to put everything in vain.   Actually, hindi ako mabait. Sobrang opposite ko kay Karie pero anong magagawa ko? Ako ‘to na siyang hindi nila alam na pilit magampanan ang pagpapanggap bilang si Karie. Wala namang nakakapansin dahil identical kami ng kapatid ko which is malaking advantage for me.   "Pero uulitin ko, Ms. Xena,” ani pa niya. “Ikaw lang ang kauna-unahang naging presidente na hindi namatay sa isang aksidente." Masaya pero may halong lungkot na sabi niya sa akin.   Nawala na parang bula ang pagpipigil ko sa aking sarili na mabatukan siya dahil sa sinabi niya.   Ano? Para akong nabingi eh. Kauna-unahan naging presidente na hindi namatay? Kaya ba ganoon na lang ang sinabi ni Zem sa akin noong nasa airport kami ay dahil sa sinasabi niya? Ito ba talaga ang rason o may iba pa? Anong meron sa pagiging president ng school na ‘to para mangyari ang ganoong bagay?   Hindi isang coincidence ang mga nangyayari. There is something beyond it.   "What do you mean?” Takang tanong ko rito. “So, every may nagiging presidente rito ay namamatay?"   Nagbabakasakali lang na namali lang ako ng dinig sa sinabi niya. Tinitigan niya lang ako na waring sinusuri ang buong pagkatao ko pero asa naman may makita siyang mali sa akin. Even though I have flaws, pagdating sa ganito easy lang sa akin.   Na-try ko na magpanggap as per request of my twin sa akin pagnagagawi siya sa Europe at walang magawa sa buhay. Which is sobrang nagagamit ko siya ngayon at naa-apply kahit papaano ang lahat ng tinuro niya na hindi ko ini-expect na gagawin ko 'to. She always correct me every time na may nagagawa ako na hindi naman niya usually ginagawa kaya easy na lang for me ‘to. Nag-o-observe rin kasi ako sa kaniya kaya madali lang para sa akin na gayahin siya.   Observation is the only key para malaman ang mga bagay-bagay without asking someone.   "4 years ago, nagsimula ang lahat ng ‘to.” Panimula niya kaya tinuon ko ang aking atensyon sa kaniya. “Pinaniniwalaan na lahat ng naluluklok sa pagiging presidente ng school na 'to ay namamatay dahil sa aksidente o dahil sa sakit which is nangyayari nga talaga. Ikaw lang ang mapalad na naka-survive sa sinasabi nilang sumpa."   Sumpa? Pathetic. Anon'to? Witchcraft?   Bakit sila nagpapaniwala sa ganoon? Hindi nag-i-exist ang mga ganoong bagay ngayon.   Bigla siyang tumayo kaya napasunod ako nang tingin sa kaniya lalo na nang maglakad siya papunta sa cabinet. May kinuha siyang parang magazine. Tinignan ko 'yon at nakita kong isang magandang babae ang cover ng magazine.   Anong connect ng kinuha niya sa kwento niya? Siya ba ang simula ng sumpa? I don't believe on that. Masyadong imposible. Hindi ako naniniwala sa multo kasi kathang isip lang ang mga 'yon. Masyado lang sila nagpapaniwala sa mga naiisip nila. Isip lang nila ang naglalaro sa kanilang sarili.   "Magazine?" I asked. "Anong gagawin ko riyan?" Habang nakatingin pa rin sa magazine na nilapag niya sa harap ko.   I am so confused right now.   "She is Xylene Diaz." Pagpapakilala niya sa babaeng nasa magazine. "The Student President of this school, 4 years ago." Sabay upo niya sa kaharap kong silya. "Siguro mga 3rd year high school ka pa niyan."   Napatingin tuloy ako sa kaniya. May kakaiba kasi sa pagkakasabi niya.  Mukhang 'tong babaeng nasa magazine talaga ang puno't dulo bakit may pinapaniwalaan silang sumpa. So, if ever nga na siya nga ang dahilan pero bakit? Anong ginawa niya noong nabubuhay siya para umabot sa point na may nangyayaring masama sa humahalili sa posisyong iniwan niya?   "Why are you telling me this?" Sabay taas ng isang kilay ko sa kaniya.   Hindi ko kasi gets. Para saan pa? May maitutulong ba ang magazine na 'yan sa nangyari sa kapatid ko? May alam ba siya na ayaw niyang ipaalam sa lahat? O baka alam nila talaga ang totoo sa likod ng misteryong bumabalot sa tinatawag nilang sumpa but they chose to cover it up?   Bakit hindi nila magawan ng action to stop the 'sumpa' that they are talking about? Hindi naman kasi kapani-paniwala ang ganoong mga bagay eh. Mas maniniwala pa ako na may tao sa likod ng lahat ng ‘to na siyang gusto kong patunayan sa kanilang lahat.   "You are brave, kind, responsible, may isang salita at paniniwala, matalino, wais at iba pa,” ani niya. “'Yan ang iba pang dahilan bakit natakasan mo ang kamatayan mo.”   I am hooked sa sinabi niyang ‘bakit natakasan mo ang kamatayan mo’.   “After mong tanggapin noon ang posisyon na 'to alam mong magsisimula na rin ang kalbaryo mo,” sabi pa niya para palihim na kinuyom ang aking mga kamay. “Kasi simula pa lang alam mo anong mangyayari sa 'yo.”   Simula pa lang alam na ni Karie? Anong balak niya? Bakit pinatulan niya pa rin?   Another question na needed ko na naman hanapan ng sagot.   “Para kang kandila na sinindihan hanggang sa unti-unti ng mamatay dahil said na ang nag-aapoy na determinasyon mong putulin ang sumpa." She said.   Bago pa siya magsalita pa ay nagsalita na ako. Wala ako rito para sa story telling niya. May sense naman kahit papaano pero hindi ko na masikmura na mag-stay pa ng matagal kasama siya. Para kasing may something sa mga salitang binibitawan niya para ma-feel ko na she is one of the persons here that I should not trust talaga. Even though she seems nice hindi pa rin ako pwedeng mapakampante. She may be playing around para mauto niya ako lalo na't they know na may amnesia nga si Karie which I am portraying right now. And end point lang naman ng sinasabi niya ay bitawan ko na ang posisyong may sumpa. Baka tuluyan na akong mamatay, I mean si Karie.   "Kung 'yan ang gusto mo o pinaniniwalaan mo.” Sabay tayo ko sa aking kinauupuan. “I'm sorry to tell you na ipinanganak akong pusa kaya ako buhay hanggang ngayon. 8 lives na lang meroon ako.” I joked with my coldest tone.   Hindi nakalagpas sa paningin ko ang pagkagulat niya sa mga salitang binitawan ko sa kaniya. Especially sa boses na meron ako.   “May walo pa," ani ko sabay ngiti ng tipid sa kaniya. "Bago pa maubos ang walong buhay ko ay sisiguraduhin ko na matatapos ang lahat ng ‘to." Dugtong ko pa para mapaiwas ‘to nang tingin sa akin.   Sisiguraduhin ko 'yon. Papatunayan ko na hindi totoo lahat ng pinaniniwalaan nila. May tao talaga sa likod ng lahat ng nangyayaring kababalaghan sa university na ‘to lalo na sa kapatid ko. Nakakapagtaka bakit presidente lang. Nakakapagtaka kung bakit hinahayaan nila na tanggapin ng ibang estudyante kung alam nila na ‘to ang mangyayari? Bakit nakatayo pa ang school na 'to?   Is she insane?   Kung ganoon naman ang pamamalakad niya rito dapat simula pa lang sarado na ‘to. Walang may pusong tao ang kayang hayaan ang mga nangyayari. Wala. Sa tagal na nangyayari ‘to dapat before alukin ang kapatid ko ay dapat may aksyon na sila to stop everything and live in peace. Ngunit sa napapansin ko parang wala eh. It seems normal. Swertehan na lang kung sino ang magiging presidente at swertehan na lang kung malalampasan niya ang sumpa na tinatawag nila.   Pero habang nandidito ako ay gagawa ako ng paraan to stop everything. Lilinisin ko ang posisyong sinasabi nilang may sumpa. Baka nga ginagamit lang nila ang pagkamatay ng babae para maisagawa ang plano nila. Pero ano nga ba ang gusto nilang mangyari? O gustong mangyari ng taong nasa likod ng lahat ng ito?   "Marami pa akong gagawin, Mrs. Buenavista,” sabi ko to dismiss sa pinag-uusapan namin ngayon. “Marami pa akong paper works na hindi pa nagagalaw dahil sa pagkawala ko ng matagal. Don't worry, bago pa maghasik ng lagim ulit ang sumpa na 'yan uunahan ko na siya. Sisiguraduhin ko na mali ang kinalaban at ginalaw niya."   Nakita ko paano siya nagulat muli sa mga binitawan kong salita. But she manage to smile at me.   "Mas tumatatag loob mo na tapusin ang sumpang meron sa posisyon mo." Pansin nito.   "I won't stop not until mapatunayan ko na isang pagkakamali na naniwala sila sa sinasabi niyong sumpa." Matigas kong sabi.   I stared at her intently.   "If you don't mind, can I ask you a question?" tanong ko nang hindi ko na mapigilan ang aking sarili na itanong ang isang tanong na bumabagabag sa isip ko ngayon.   "What is it?" Alanganin na tanong niya sa akin.   "May ginawa ka ba as an owner to stop the curse that you all believed in?" I frankly asked.   Lumamig ang tingin nito sa akin na siyang in-expect ko na magiging reaksyon niya.   "What are you trying to say?" Malamig niyang tanong. "That I don't care about the curse and let someone die because of it? O baka pinaghihinalaan mo ko na alam ko ang dahilan sa likod ng mga nangyayari?"   Natawa ako nang mahina sa naging sagot niya.   "I didn't say anything," sabi ko na may ngiti sa labi. "It is a harmless question, Mrs. Buenavista. If you are not guilty about what you are thinking and saying to me, then good."   Mukhang natauhan naman siya sa sinabi ko dahil naging mailap na ang kaniyang mga mata. Tumayo na lang siya sabay kuha ng magazine. Ibabalik ata sa kung saan niya nakuha.   Nagpaalam muli ako sa kaniya bago tuluyang umalis. Bago ko pa naisara ang pinto ay nakita ko pa ang paglaki ng mga mata niya nang mapagtantong nakatingin pa rin ako sa kaniya. Hindi nakalagpas sa paningin ko ang biglang pagnginig ng mga kamay niyang nakahawak sa magazine. Isama mo pa ang biglaang pamumutla niya.   I sighed after closing the door. Nananalangin ako na sana ay wala siyang kinalaman sa nangyayari kay Karie. If may alam man siya sana ay hindi niya pinagtatakpan 'yon.   Napaisip tuloy ako sa posisyon ni Karie. I dind't intentionally na takutin o ano man si Mrs. Buenavista. Nagbabakasali lang na malaman niya o ng taong nasa likod ng lahat ng ‘to ang sinabi ko kasi seseryosohin ko ang gagawin. Lalo na't may alam na ako kahit papano sa nangyari.   Tsk!   Bobo lang talaga naniniwala roon. May isa o dalawang tao ang sa likod ng lahat sigurado ako. But I am praying na hindi nga kasama si Mrs. Buenavista roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD