I am standing in front of Karie's room habang nasa kanang kamay ko ang duplicate na susi nito na kanina ko pa hinahanap kanina. Matagal ng ibinigay sa akin ‘to ni Karie simula noong naisipan niya na mag-aral na lang sa Pilipinas. At first, I am so mad at her kasi iiwan niya ako pero kalaunan ay tinanggap ko na rin. Hindi naman panghabang buhay na lagi kaming magkasama. Hindi kami mag-go-grow as individual if we stick together all the time. Sapat na sa akin na sabihin niya na walang magbabago sa akin.
Napatitig ako sa susing hawak ko. Ngayon lang talaga ako papasok sa loob ng kuwarto ni Karie na hindi niya inuutusan man lang na pumasok. Minsan kasi nauutusan niya ako na pumunta sa kwarto niya para may kunin na bagay na kailangan kong kuhaanan ng larawan para i-send sa kaniya. O may mga bagay na importante na nakakalimutan niyang dahilhin pauwi kaya pinapakuha niya tapos pinapadala sa Pilipinas. Doon lang din ako nakakapasok sa kuwarto niya. Minsan kasi rito sa kwarto niya nilalagay agad 'yong pasalubong niya sa akin dahil nga sa hindi talaga ako nagpapakita, sa gabi ako lumalabas. Bawal din ipasok sa kuwarto ko kasi pinagbabawal ko except na lang mismo kina Karie at sa aming parents.
Hindi porket nasa akin ang susi ay anytime ay pwede akong pumasok. I know about privacy and I respect it. Pero ngayon? Kakalimutan ko muna ‘yon. I need to do this for me to know or have a clue kahit kunti sa nangyari sa kaniya sa Pilipinas. Masyado akong blind sa mga nangyayari kaya at least sa ganito ay may makuha man lang sko kahit kunti.
Bumuntong hininga na lang ako. Kanina pa ako nakatayo rito kaya agad akong lumapit sa pinto para buksan na nga ‘to nang tuluyan para makapasok na nga ako. Tumambad sa aking paningin ang kuwarto niyang may kombinasyong itim at asul na kulay na never niyang pinapalitan simula noong mapadpad kami. Same with me naman na may combination ng black at pink ang akin. Agad nakaagaw ng pansin ko ang picture frames na nakasabit sa dingding niya na may mga larawan namin at ng mga naging parte ng buhay ni Karie. She treasured every moments na nangyayari sa buhay niya lalo na’t memorable ‘yon para sa kaniya. Masyadong sentimental na tao kumbaga.
Nang magsawa ako kakatitig sa mga larawan ay I decided na libutin ang kuwarto niya at sinusuri bawat sulok at gamit nito. Tinitignan ko lang kung may mapansin akong kakaiba na makakatulong sa gagawin ko. Naniniwala kasi ako na ang sekreto ng isang tao, minsan nakikita sa kuwarto mismo. Kaya minabuti kong pumarito bago ako bumalik sa bansang Pilipinas na matagal ko na ring hindi nasisilayan nang mapadpad kami rito sa Europe.
Europe is my new home, sa totoo lang. This country helps me na ma-less ang mga nasa isip ko patungkol sa nakaraan namin sa Pilipinas. That is why sobrang tagal na rin na hindi ako nakakabalik doon dahil I am starting to hate that country. They know about it naman but they are trying to convince me na umuwi na kasama sila. But I always say no to them.
Makalipas ang ilang minutong paglilibot ay napako ang mga mata ko sa study table niya na may nakapatong na isang luma at makapal na malaking libro. Mabilis kong kinuha 'yon sabay upo sa silya at binuklat agad ‘to para makita ko kung anong laman nito. Bumungad sa akin ang mga litrato at mga sulat niya o caption sa bawat litratong nakadikit sa pahina. Nagtataka man ako dahil akala ko ay isang libro lang talaga dahil sa isturs nito pero pinagtiyagaan ko pa ring basahin nang mahina ang unang pahinang binuklat ko na sinulatan niya.
"Hey! If you are not Karie and you are still holding this and probably read this property of mine? I warn you! Just get your filthy hands of yours and get your ass out of my room!"
Sumilay ang ngiti sa aking labi dahil sa kabaliwan ng kapatid ko. Tell me, who will do this aside from her? Tell me so that I can laugh at her or him.
Hindi ko alam anong tumatakbo sa isip niya sa mga oras na ginagawa niya ‘to. Ang weird talaga. Kung gagawa man ako ng ganito ay saying ang unang ilalagay ko, unlike this one. Usually kasi pag may ganito, pabonggahan ng quotes o motto in life. Pero sa kaniya, nagbabanta agad. Parang siguradong-sigurado na may mangingialam talaga, which is meron na nga.
Kumunot tuloy noo sa napagtanto ko ngunit agad ko rin ‘yon winaglit baka nagkataon lang ang lahat. Naisipan ko na lang na ipagpatuloy ang aking pagbabasa.
"But, if you are her, then welcome to my diary, scrapbook, and my world. I know you will say that I'm stupid for writing and doing these kinds of stuff. Sorry, I can't help it. Cute kaya 'yong ganito lalo na't laman nito ang buhay ko. Tapos lumalabas din pagiging creative ko kaya gusto-gusto ko talagang ginagawa ‘to. Tell me it is cool, right? 'Di ba? 'Di ba?"
Natawa tuloy ako nang mahina dahil doon pero agad naman akong napasimangot nang mabasa ko ang last na sinulat niya sa unang pahina ng diary raw niya.
Hindi ko alam kung diary ba talaga ‘to o ano. Introduction na lang. May balak pa ata siyang maging writer. Ang kapal din kasi ng diary niya. Semi-diary and semi-photobook.
"Hey, you weird! Don't make a laugh at me! Tatahiin ko talaga bibig mo! Kahit tatahimik-tahimik ka masama budhi mo, ‘no. Bully ka rin minsan sa akin plus savage ka pa. Anyway, shoo ka na! Next page na! Dali!"
I continue reading and looking sa iba pang pahina nito at totoo nga ang sinabi ng gagang si Karie. Lahat ng nasa lumang malaking diary niya ay laman ng mga taong nakakasalamuha niya sa kung saan man siya napapadpad. Ang mas nakakagulat at nakakamangha rito ay pati lahat ng estudyanteng nasa pinapasukan niyang college ay na rito na, as in lahat!
I blinked several times because of that. I can’t believe it actually. How the hell she made this happen? As in kompleto talaga. Kompleto ang ibang impormasyong nakasulat dito. Pinagtiyagaan talaga niya na isa-isang ilagay lahat. Kaya naman pala sobrang kapal.
The heck!
Hindi ko alam kung nagkataon lang na ginawa niya ‘to. O sinadyang gawin lahat dahil alam niyang mangyayari ang mga ‘to sa kaniya. Kahit saan sa dalawa hindi na importante 'yon. Ang importante makakatulong sa akin ang mga impormasyon nakalagay rito. Daig pa niya ang isang detective or secret agent sa ginawa niya. Parang kinakabog niya ata ang intel sa pinaggagawa niya sa totoo lang. Ang gagawin ko na lang ay isaulo o i-familiarize para hindi ako mangapa kung nandoon na ako sa pupuntahan ko. Masyado pa naman iba ang mga taong naninirahan sa Pilipinas. Namamansin at may laging napapansin kahit kunting bagay lang. At least may baon na ako kahit papaano sa binabalak kong pagbabalik muli sa bansang ‘yon.
While scanning and reading every information ay nakaagaw ng pansin ko ang isang pangyayaring nangyari sa kaniya. Nakasulat kasi dito paano siya naging presidente sa koleheyo nila na siyang ikinagulat ko talaga. Hindi ko alam na mananalo siya at iboboto siya ng kapwa estudyante niya to think na she is new. Siguro dahil sa sikat ‘tong modelo?
Nakasulat din kung paano siya nag-adjust at paano siya nagkaroon ng mga kaibigan. Kaibigan na totoo at lagi niyang masasandalan.
The true one.
Hindi naman aki naiinggit sa mga nalalaman ko. Masaya ako sa kaniya sa totoo lang. Ngunit, nakakapagtaka lang kung bakit ganoon na lang nangyari sa kaniya kung totoong kaibigan niya ang mga ‘to? May isa ba sa grupo nila ang traydor? O baka nasangkot sa malaking gulo ang kapatid ko na hindi alam ng mga ‘to? If may alam man sila I am sure baka hindi lahat?
Minabuti ko na lang na buklatin pa ang bawat pahina hanggang umabot na ako sa huling pahina nito. Nakita ko ang pictures nila ng mga kaibigan niya.
Napahawak tuloy ako sa larawan nila lalo na sa mukha ng aking kapatid. She seems very happy here. Ibang-iba rin ang kislap ng mga mata niya na ngayon ko lang napansin. Pero laking pagtataka ko kung bakit ganoon nga ang sinapit niya. Mas lalong nakadagdag ay 'yong huling sinabi niya before niya sinabi sa akin na bibisita siya rito.
"Pray for my soul, Weird." Sabay tawa niya. "Just kidding."
She gave me the pet name weird kasi sobrang weird ko raw lalo na't sa mga bagay-bagay na wala siyang alam. Lalo na rin kung paano ako humarap sa kanila o makitungo man lang.
Tumayo na ako at tumingin sa labas ng binatana ng kuwarto. Nakita kong papalubog na ang araw. Sasapit na naman ang gabi.
Naisipan ko na ring umalis sa kuwarto niya kasi nagugutom na rin naman ako. Hindi ko inakala na ginabi ako just to let my curiosity died on me dahil sa malaking lumang diary ni Karie na akinv nakita.
Isasarado ko sana ang pinto nang mahagip ng mga mata ko ang malaking salamin na nasa harapan ng kaniyang kama. Nakikita sa repleksyon nito ang malaking kama ng aking kapatid pero hindi 'yon ang nakaagaw ng pansin ko kundi sa kulay black at pink na sticky note na nakapikit sa lamp shade.
Actually, hindi ko talaga napansin na meroong sticky note roon kahit sobrang tagal ko na nag-stay rito sa room niya at naglibot pa. Habang nililibot ko ang tingin ko ay wala naman akong nakita o baka hindi ko lang napansin talaga. Sabagay, masyado rin kasing maliit at hindi rin agaw pansin. Nagmumukha lang talagang design. Nagkataon lang na may nakita ako na kakaiba sa parte ng lamp shade.
Agad akong naglakad palapit dito at mabilis na kinuha ko ‘to sa pagkakadikit sa lamp shade. Babasahin ko sana after I got it nang biglang tumawag sa telepono ko si Mr. Butler na pinapaalam sa akin na handa na ang akinb pagkain. He is asking also kung saan ako kakain, sa room ko pa rin ba o sa dining. I answered him na sa dining na. Ito ang unang beses na kakain ako sa dining area na wala ni isa sa parents namin ni Karie at si Karie. Pero often lang ako sumasabay sa kanila pag nandito sila. Madalas talaga sila 'yong sumasabay sa akin kumain sa kuwarto ko mismo. Pagnapipilit nila ako, roon naman na ako lumalabas sa kuwarto para kumain kasama sila sa hapagkainan pero lagi talagang si Karie ang nakakagawa noon sa akin.
Masyadong makulit ang isa. Nakakairita kaya napapayag na ako.
"Are you sure, Young Lady, sa gusto mo?" Bungad na tanong ni Mr. Butler after he saw me entering the dining area.
Mukhang hindi talaga siya makapaniwala sa naging desisyon ko bigla. Sa loob ng ilang taon na pamamalagi niya rito. Ang daming nangyari rin sa mansyong ‘to ngunit si Karie lang talaga ang naging dahilan bakit tuluyan na akong lumabas sa lungga ko. Kung hindi nangyari kay Karie ‘yon ay hindi ako lalabas. I won’t take off my mask.
Mukhang gusto rin niya akong pigilan dahil baka nag-aalala siya sa mangyayari sa akin sa labas particularly sa bansang pupuntahan ko. Ilag ako sa mga tao, isa sa naging epekto ng nakaraan namin sa Pilipinas. Kahit nga rito ay umiiwas talaga ako kaya kabado siguro siya kung anong mangyayari sa akin.
"Why, Mr. Butler?” Baling ko sa kaniya. “Do you have any rights to stop me?” Mapaghamong tanong ko sa kaniya. “Ginagawa ko rin naman ‘to hindi para sa sarili ko. Kaya gawin mo rin ang trabaho mo." Bastos na sagot ko sa kaniya pagkatapos kaya tumahimik na lang siya.
Kinuha ko na lang sa aking bulsa ang papel na nakita ko kanina bago ako umalis sa kuwarto ni Karie. Naging curious naman ako ng dahil sa nabasa ko.
"Like a curious cat? I know about that, Weird. But if you want to know everything, as in everything. Just go back to the place that you belong. P.S. If you read this. May nangyaring ng masama sa akin. Take care of yourself always. Trust no one, Weird."
Naiinis na nilukot ko ang papel matapos kong mabasa ang nilalaman nito. Naikuyom ko rin ang aking mga kamao. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko. Unti-unti na ring kumukulo ang aking dugo sa mga bagay-bagay na pumapasok sa aking isip. She already knows what will happen to her pero hindi man lang niya sinabi sa akin?
Ano bang ginawa niya sa Pilipinas para mangyari ‘to sa kaniya? Anong ba ang dahilan bakit hindi man lang niya nagawang sabihin sa akin ang tungkol dito?
Ano at bakit?