Right after kong magising at nagkaroon ng sagutan sa pagitan ko at mga kaibigan ni Karie ay umalis na ako sa hospital kahit ayaw nila. Even though they keep saying that I need more rest at hindi pa okay ang sugat ko. Wala silang magagawa dahil mas magaling akong rumason at kasabwat ko rin ang doctor. Kahit ang sama-sama ko sa kanila sa mga oras na 'yon ay inintindi pa rin nila. But I can feel that they are guilty about what I said kasi may point naman ako. Napasobra lang ako. Masyadong naging narrow minded ako. What if wala naman pala silang alam? What if naglihim din si Karie? So, 'yon nga. Nakalabas ako without sweat. Paano? Dahil sa pinagdalhan nila sa akin ay isa sa pagmamay-ari ng mga magulang ko kaya easy-easy lang for me na ma-release sa hospital. Besides, hate na hate ko na ma

