"If you can find it after answering my riddle. You have got a chance to question me anything but once. I will allow you to ask me only one question. P.S. It's not ordinary." Pagbasa ko sa nakasulat. Agad ko namang dinampot ang eraser at binura ang nakasulat sa blackboard na ipinagtataka nila. "Bakit mo binura?" tanong ni Paulo. "Buti na-copy ko." Sabay taas ng hawak nitong papel at ballpen. Nagkibit balikat na lang ako bilang sagot na rin sa tanong ni Paulo. "Oh? Anong problema rito? Ang daming tao sa labas at nakatayo pa kayo?" Biglang pasok ng professor namin at sunod-sunod na nagtanong sa amin. Tahimik lang kami at nagsiupo na. 'Yong iba na nakitsismis ay nagsialisan na rin. "Meron na naman ba?" tanong naman nito nang mapansin ang kakaibang atmosphere sa amin.

