2

2347 Words
CIRCE POV "Dad pleasee payagan mo na ako, promise hindi ako gagawa ng kalokohan sa mundo ng mga tao" sabay taas ng kanang kamay ni Lucifer. Nakikiusap ito sa Ama niyang si Cephalus. Napahilot naman ng sintido si tito sa kakulitan ng anak. Kalalaking tao daig pa babae kung umasta. Tumingin sa gawi ko si Lucifer upang humingi ng tulong pero umiling lang ako at sumimangot itong muli. Bahala siya diyan ang tigas kasi ng ulo. "Fine this is the last time na papayagan kita but isasama mo si Circe para bantayan ka. Subukan mo lang talaga suwayin ako muli Lucifer sinasabi ko sayo ipadadala kita sa Mommy mo sa heaven" pag-payag ni tito. Napaikot naman ako ng mata, brat talaga. Isang demonyo ang Daddy niya at Anghel naman ang Mommy niya kaya kalahating demon at angel siya. Kulay abo ang kanyang mga pakpak at mata sa pinagsamang kulay. Nagtataka siguro kayo kung papa'nong nagka-asawa ng anghel si Cephalus dahil 'yun sa basbas ng nasa itaas na siyang gumawa ng mundo. "Yes! Thanks Dad sabi na at hindi mo ako matitiis eh and I promise na hindi ko kayo susuwayin ni Mom" naka-taas pa ang kanang kamay. Hindi ako naniniwalang hindi na siya magloloko siya pa. "Huwag ka muna magdiwang dude siguradong may kondisyon sayo si tito" saad ko sabay tingin kay tito na nakangisi na ngayon. Kilalang-kilala ko si tito papayag siya pero may kondisyon at hindi ko gusto kung ano man 'yun ngayon. "Papasok kayo ni Circe sa eskwelahang pinag-ttrabuhan ni Aurora, magpaka bait kayo maliwanag?" tanong ni tito pero kay Lucifer nakatingin na kinakamot ang hindi makating pisngi. Yawa sinasabi ko na nga ba eh, bakit kailangan pumasok pa? "Ipapaasikaso ko na lang ito sa Mommy mo para makapasok na kayo bukas na bukas, wala nang aangal. Nagkakaintidihan ba tayo Circe at Lucifer?" napatango na lamang kami at walang nagawa. Kasalanan 'to ni Lucifer kainis! Umalis na kami sa bulwagan ng makapag impake na ng gamit dahil mamaya ay pupunta kami sa realm ng mga tao. Papunta na sana ako sa boudoirs o pribadong silid para sa mga babae ng hilahin ako ni Lucifer. Malapit na ako manapak. "Ano ba kailangan mo at nang hihila ka?!" irita kong tanong sa lalaki. "Tulungan mo ako mag impake, hindi ako marunong mag tupi at mag ayos ng damit eh. Ako na bahala mag dala ng gamit natin mamaya" hiling nito sakin at nagpa kyut pa. Hindi bagay sa kanya. "Oo na oo na lumayo ka sakin ang pangit mo, mukhang asong naulol eh" pang aasar ko dito at inikutan lang ako ng mata. Minsan talaga parang bakla ito. Nagtungo kami sa Solar, pribadong silid ng pamilya at kamag-anak ni Cephalus. Sa kaliwang bahagi ang kwarto niya kaya doon kami pumasok. Kulay abo at pula ang kulay ng kwarto niya habang 'yung akin mapusyaw na pula na hinaluaan ng itim na kulay. Pumunta ako sa walk-in-closet niya at isa-isa itong tinanggal sa hanger at tinupi sabay lagay sa maleta. "Ano kaya mangyayari satin sa eskwelahan ng mga tao at ibang supernatural Circe?" tanong nito. "Hindi ko alam at wala akong balak gamitin ang kapangyarihan ko para makita ang hinaharap" may kapangyarihan akong seer. "Ang k.j mo dude pero sabagay mas nakaka excite kung hindi natin makikita. Malay mo doon ko mahanap ang mapapangasawa ko" nag-dday dream na saad niya. "Tumayo ka na diyan ng makapag impake na rin ako" gumamit ako ng powers para maayos agad, hindi ko agad naisip kanina eh. Pumunta kami sa kwarto ko at kinuha ang maletang may gamit ko na. Nakahanda ma rin ang gamit namin sa university'ng papasukan namin pati bahay at kotse meron na kami na lang ang kulang pero sa dorm kami tutuloy. "Circe ikaw na ang bahala sa anak ko, mag-iingat kayo. Sundin niyo lahat ng habilin ko maliwanag?" muling paalala ni tito. I mentally rolled my eyes. "Tito alam ko na lahat 'yan kanina mo pa sinasabi nagiging sirang plaka na ang dating" walang ganang sagot ko. "Oh siya mabuti kung ganoon. Umalis na kayo agad ng maaga makapag pahinga" pagtataboy samin. Sumakay na kami sa kanya-kanyang motor. Sinuot ko ang gloves at helmet ko. Parehas lang sa kulay ng kwarto namin at desinyo nito. Parehas naka over all suit kami ng kasama ko. Hindi na rin ako nag abalang mag bra pa dahil hindi naman babakat. Muling nagpaalam kami kay tito bago tumawid sa realm ng mga tao. Lumabas kami sa highway ng siyudad. Napatingin ako sa orasan nasa motor, ala-singko na sakto at uwian na rin ng mga estudyante sa dorm. Ilang minuto pa ay huminto kami sa tapat ng isang malaki at mataas na gate. Tumawag naman si Lucifer kay Auroro asawa ni Cephalus at nany niya. Ilang sandali pa ay unti-unti itong bumukas at agad namin pinaharurot ang sasakyan. Maraming tao ang naka abang sa pag pparkingan naming dalawa. Mukhang alam nilang may transferees ngayong araw. Nasa unahan naman si Aurora na nakangiting nag aabang sa pagdating namin. Huminto kami sa malawak na espasyo para samin. Dinig kong pinag uusapan nila kami lalo na ako dahil sa suot ko pero hindi ko na lamang pinag tuonan ng pansin ang mga ito. "Ang hot nung babae pre, kita cleavage ang puti at sexy. Yummy" "Ang gwapo ng anak ni Miss Aurora wahhh!!" "Kuya anakan mo 'ko" "Mahal na ata kita kuyaa woohhh!" "Ang sexy mo atee nakaka tomboy ka!" "Oemgggggg ang hot nilang dalawa!!" Ilan lang 'yan sa tili nila ng magtanggal kami ng helmet. Inayos ko ang zipper sa tapat ng dibdib ko pero ang sikip kaya bumababa din. Inis na binatukan ko si Lucifer may pakaway kaway pa at feeling artista. "Ano ba 'yan dude ang k.j mo, ikaw na lang baby ko ha" sabay hapit sa bewang ko, nakatanggap naman siya ng siko mula sakin. "Good afternoon tita, pasensya na at ngayon lang kami" tipid at malamig kong saad. Hangga't maari hindi ako magsasalita masyado, ayoko mapalapit sa kahit sino sa mga nandito. Napatingin ako sa gawi ng mga anghel nagtutulakan pa sila pero aminado akong ang gaganda nila lalo na 'yung naka high ponytail na babae at diretsong nakatingin sakin pero hindi ko na lamang pinansin. Sinenyasan kong lumapit sa akin si Shadow isa din siyang demon at may kakayahang maglaho at magtago sa dilim. Tinulak naman ng isang anghel ang kapwa niya paabante kaya sinaway siya nito pero tinawanan lang siya. Nakita kong lumapit samin si Shadow kaya napangiti ako ng bahagya. Binigyan niya ako ng isang matamis na halik na tinugunan ko. Naghiwalay lang kami ng tumikhim ng malakas si Lucifer. "Baka nakakalimutan mo Circe nandito pa ako at maraming tao ang nanunuod ha" pang aalaska nito. "Masyado kasi namin namiss ni babe ang isa't isa kaya wala na kaming pakialam kung may tao man o wala" masayang saad nito. "Tsaka humanap ka na rin kasi ng may kahalikan ka rin 'noh" dagdag pa niya. Hindi talaga magpapatalo ang isang 'to. "Humph! Mag-antay ka lang babae may mahahanap din ako at kayo" sabay turo saming dalawa. "Wala naman kayong label ni Circe ah" rebat nito sa katabi ko. Pinapasok na ni tita ang mga estudyante sa dorm nila. Iniwan ko na ang dalawa na nagtatalo pa at nauna nang pumasok sa room ko. Naabutan ko naman ang mga anghel kanina. Hindi muna ako tuluyang pumasok at pinaka kinggan ang pinag uusapan nila. "Pero s**t kase akala ko ikaw 'yung pinapalapit niya si Shadow pala sorry na bess" sabay peace sign nung babae sa 'bess' niya. Ngayon ko lang napansin ang ganda nung kausap niya lalo na 'yung berde niyang mga mata. So sila pala ang makakasama ko sa room. Apat na anghel at mag isa lang akong demon? Wtf!? Seryoso ba 'to, mamaya masunog or sunugin nila ako ng wala sa oras eh. "Pero ang ganda ng mga mata niya, parang mapusyaw na pula na may halong itim sa gitna, hindi kaya demon siya?" tanong nung babaeng tinulak kanina. "Alam mo naisip ko din 'yan eh pero para makasigurado itanong na lang natin mamaya at mag ayos na kayo kasi hindi mahilig 'yung Circe sa ganito kakalat na sala" pag uutos nung babaeng katatapos lang maligo. "Ay oo nga baka mamaya magalit siya at sabihing hindi tayo marunong maglinis alam niyo na first impression eh" sabi nung pinaka maliit sa kanila. Nag stay muna ako dito sa labas ng ilan lang minuto bago kumatok at pumasok na sa loob. Katatapos lang maligo nung babaeng tinulak kanina. Ang kinis at puti niya. Nasa likod nito ang naka tuping pakpak at unti-unting naglaho doon bago pumasok sa kanyang silid. Shit kamuntikan na magising ang alaga ko. Isa akong succubus. Merong ari gaya sa lalaki pero meron pa ring ari ng babae kumbaga 2 in 1. "Oh nandiyan ka na pala, pasensya na ito hindi pa kami nakakapag luto pero nakapag linis na kami, btw I'm Seraphina" pagpapa kilala nung babaeng nagtulak sa kasama kanina. Nginitian ko ito. "Circe Nice to meet you, at ayos lang hindi pa naman ako nagugutom. Ako na lang mag luluto mamaya" pakilala at pag presinta ko. Nakakahiya naman kung sila pa magluluto eh kabago bago ko pa lang dito. "Ayos lang ba? Pero sige ikaw bahala sa kulay pulang pinto nga pala kwarto mo" pagpapa-alam nito. Katabi ng kwarto nung babae kanina. Naligo muna ako saglit bago nagbihis. Nag denim shorts at malaking t-shirt na pula lang ako. Inayos ko na din ang gamit ko at nagtali ng buhok bago lumabas ulit. Balak kong magluto ng lasagna at kare-kare mamaya kaya titignan ko kung may stocks pa. Mamimili na rin siguro ako kapag may kulang at para sa susunod na linggo. Pumunta ako ng kusina at naabutan ko 'yung babae kanina na may ginagawa kaya hindi ko na siya binati pa mamaya magulat eh. Tumingin ako sa ref at cabinets sakto lang ang stocks for this week at may ilang ingredients na kulang sa lulutuin ko mamaya. "Hi samahan na kitang mag grocery baka maligaw ka dito eh" presinta ng babae kanina. "Sige salamat–?” sabay tingin sa kanya. "Archangel, Angel for short. Chief Angel sa realm namin" pakilala kiya sabay lahad ng kamay. "Okay salamat Arch, I'm Circe. Kanang kamay ni Cephalus at guardian ni Lucifer" pakilala ko sabay haway sa kamay nito. Nakaramdam naman ako na parang may dumaloy na kuryente samin kaya bumitaw din ako at gano'n din siya. Naramdaman niya din siguro. "Tara baka gabihin pa tayo. Ililibot na lang kita bukas sa Univ bukas tutal wala namang pasok" pag aaya niya, tumango lang ako. Naupo muna kami dito bench na malapit sa dorm ng mga lalaki. Inilapag ko sa ibaba ang mga pinamili at muling humigop ng milktea. Katatapos lang namin mamili at mag ikot sa saglit sa univ. Inayos ko sandali ang sintas ko bago kunin ang plastics at tumayo. Tumayo na rin si Arch at ngayon nga ay pabalik na kami ng dorm. "Paano nakapag asawa ng anghel si Cephalus? Eh di'ba pwedeng masunog ang demon kapag may ginagawa silang 'ano' or maging abo si Miss Aurora kapag nakapanganak na" tanong niya. "Binigyan sila ng basbas ni Bro para maging mag asawa at magka anak na hindi sila nasusunog o nagiging abo. Nakita niya kasi na sincere at seryoso talaga si Cephalus kay Aurora kaya binasbasan na din sila. Nalagpasan din naman nila lahat ng pagsubok na binigay ni Bro" "Ohhh ang galing. Ngayon ko lang nalaman na pwede pala 'yun 'no. Wala kasi nakapag sabi sa realm namin kung paanong naging sila eh and thank you dahil sinabi at kinwento mo" amaze na saad niya. "No biggie, parang ito na nga trabaho ko dahil lagi nilang tinatanong 'yung story nilang dalawa" sagot ko. Inilapag ko sa lamesa ang mga pinamili namin at inihanda na ang mga gagamiting sangkap sa pag gawa. Tutulungan din ako ni Arch makapag luto. Nagsaing muna ako bago nagluto ng lasagna habang si Arch naman naghihiwa ng mga ingredients at nagpapakulo ng karne at baboy. Ipinasok ko sa oven ang lasagna at gumamit ng powers para maluto agad. Gumamit na din ng powers si Arch para may halo ng kare-kare at makapag handa na sa lamesa. Lumapit ako sa kalan at tinikman ito. Nagdagdag ako ng ilang spices para mas lumasa pagkatapos ay pinatay ko na. Kumuha ako ng malaking bowl at nagsandok ng ulam at kanin. Inilagay naman niya ang mga pagkain sa lamesa. Nagsandok muli ako ng ulam para dalhan si Lucifer, hindi pa naman siya magluto at baka hindi rin marunong ang mga kasama niya mag luto. Nag-teleport ako sa room nila at nakitang nakasimangot siya habang nakahawak sa tiyan. "Circe mabuti naman at dumating ka na. Kanina pa kami nagugutom hindi pa kase dumadating taga luto namin eh" inilapag ko sa mesa ang ulam at dessert nila. Ako na rin naghain para sa kanya dahil tulog pa daw ang mga kasama nito at mamaya na lang niya gigisingin. "Salamat Circe wohhh busog na busog ako" dumighay pa ito ng malakas sabay tawa. Loko-loko talaga. "Mauuna na ako Lucifer umayos ka at sundin lahat ng utos sayo ni Cephalus" paalala ko dito bago bumalik sa dorm. Nandoon na silang lahat at naka upo. "Mabuti naman nandito ka na Circe tara kakain na, btw I'm Rabia. Isa sa mga Archangels na tumutulong sa Araw" pakilala niya. Tumango lang ako. Siya 'yung babae kanina na katatapos lang maligo. "Hi Circe ako naman si Parisa pero Isa na lang, tara upo ka na" pakilala nito. Sabay-sabay sila nag dasal. Oo sila lang mamaya may mangyari sakin dito kapag nagdasal ako eh, mahirap na. Nagsimula na kami kumain. Nagkkwentuhan sila at ako ay nanatiling tahimik na kumakain lang. Sila na nag hugas ng pinag kainan at ginamit namin kanina sa pagluluto. Nagtungo naman ako sa kwarto para tawagan si Cephalus at mag report. Inutusan pa ako nito pumunta sa realm ng mga anghel bukas kaya natulog na din ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD