4

1085 Words
ARCHANGEL POV Napatingin ako sa aking pinto ng may kumatok doon bubuksan ko sana pero natigilan ako ng marinig ang boses ni Circe. Binuksan ko ito at walang ganang tinignan siya. Ano bang kailangan niya sakin? Nahihiya ako dahil sa inasta ko kanina. Naalala kong nasigawan ko ito dala ng selos at pag-aalala. "A-anong kailangan mo?" tanong ko dito. "Pwede ba tayo mag-usap 'yung tayong dalawa lang sana?" nakayuko at nahihiyang tanong niya. "Sige mag papalit lang ako" hindi ko na ito inantay pang sumagot at isinara na ang pinto. Pagkatapos makapag palit ay humawak ako sa kanya at nag teleport kami sa gitna ng gubat. Napatingin ako sa malaking bahay. Gawa ito sa bamboo at ang ganda tignan. Pumasok kami doon at naupo sa mahabang upuan na gawa sa bamboo. Nagpunta muna ito sa kusina at pag balik ay may dala na itong meryenda at inumin. Inilagay niyo iyon sa center table na gawa din sa bamboo, lahat ng kagamitan niya ay gawa dito. Inantay ko ito matapos kumain at pinaka titigan lamang ang kanyang mukha. Hindi pa rin siya nagbabago. Ang ganda-ganda niya pa rin kahit lumipas na ang mahigit tatlong dekadang hindi kami nagkikita. "Sorry nga pala kanina at kahapon. Pinag-alala ko pa kayo, hindi ko naman sinasadya 'yon. Tsaka isa pa hindi ko naman alam na susubukan akong rape-in ako ni Life at nawalan ng malay. Per—” hindi ko na ito pinatapos pa mag salita at agad na sumabat. "A-anong ginawa sayo ni Life? Teka alam ba ito ni Bro? Sinabi mo ba sa kanya? A-ayos ka lang? May masakit ba sayo huh?" nag-aalala at sunod-sunod kong tanong dito. Lintek na Life talaga oh! Ano naman kaya pumasok sa isipan ng babaeng 'yun? "H-hey huminahon ka hindi pa ako tapos mag salita" pag-ppakalma nito sakin. "Paano ako hihinahon?! What if may ginawa talaga sayo ang babaeng 'yun ha!?" Naiiritang sigaw ko dito. Papa'no niyang nagagawang sabihin sakin 'yan at ang malala pa eh parang hindi naman siya apektado. "Patapusin mo muna ako pwede ba?" may halong inis na paki-usap nito kaya napa-tango na lamang ako. "Napag-utusan lang siya ni Bro para masukat nila kung gaano na ba ako kalakas. Hindi ako nagalaw ni Life dahil biglang lumiwanag ang buong katawan ko pagkatapos ay tumalsik ito sa pader at nawalan din ng malay katulad ko" paliwanag niya, nakahinga naman ako ng maluwag. "Mabuti naman kung gano'n dahil talagang masasaktan ko ang babaeng 'yun" nangagalaiting saad ko. "At ikaw babae umiwas-iwas ka sa mga babaeng magta-tangkang lumandi sayo naiintindihan mo?" pagba-banta ko. Ayoko sa lahat ng may kahati lalo na kung akin. Patawarin sana ako ni Bro pero papatayin ko talaga kung sino man ang gustong agawin o landiin siya. "Bakit naman kailangan kitang sundin ha, ano ba kita?!" naiiritang sigaw at tanong niya. Nakaramdam naman ako ng galit at sakit. Pilit kong pinakalma ang sarili ngunit huli na dahil muli nanaman ako nadala nito. Pag-dating talaga sa kanya hindi ko kayang kontrolin ang nararamdaman ko minsan. "Dahil matagal na kitang mahal Circe! At ayokong-ayoko ng may kahati" that's it, nasabi ko na. Mariing napapikit na lamang ako sa aking sinabi at lihim na minumura ang sarili dahil sa katanghan ko. Masyado ako nag-padala sa aking damdamin, ulit. Bago pa siya mag tanong ay mabilis na nag-teleport ako sa harap ng aking kwarto. Damn it! Padabog na sinara ko ang pintuan ng aking kwarto. Nakakainis siya, sobra! Ako na nga itong nag-aalala sa kanya na baka may nangyaring hindi maganda sa realm namin tapos nandoon lang pala siya at nagpapasarap kasama si Life. Sinong hindi magagalit di'ba? I hate her! At ang mas ikina-galit ko pa ay hindi manlang ako nito nagawang sundan o pigilan manlang. Ugh! Nasasaktan ako sa tuwing iniisip na kasama niya si Life at nakikipag talik. Samantalang ako itong asawa niya pero hindi ko siya masisisi. Muli kaming binuhay ni Bro ako bilang anghel at siya bilang demonyo. Dati siyang normal na demonyo na may malakas na kapangyarihan kaya pinaslang ang mga magulang nito ng mga rebeldeng demonyo upang makuha at magamit siya. Pero ako nakaka-alala samantalang siya ay hindi. Sobrang saya ko ng magkita kaming muli at makitang buhay na buhay siya kasama si Lucifer. Gusto-gusto ko siyang halikan at yakapin nang mga oras na 'yun pero pinigilan ko lamang ang aking sarili. Nasasaktan ako na hindi niya ako maalala pero alam ko na hindi mag tatagal ay maalala niya rin ako gaya ng pagka-alaala sakin ng kanyang puso. Umiyak ng umiyak lamang ako sa aking kwarto ng may biglang sumulpot sa aking harapan, si Circe. Masamang tinitigan ko siya at bahagya itong napalunok. Pinunasan ko ang aking pisngi bago nag-salita. "Anong ginagawa mo dito? Umalis ka na hindi kita kailangan" malamig kong saad at tinalikuran siya. Nanigas ako ng yakapin ako nito mula sa aking likuran. Narinig ko naman itong sumisinghot teka umiiyak ba siya? "I'm sorry hindi ko naman alam na ganu'n ang nararamdaman mo, please bati na tayo. Hindi ko alam pero nasasaktan akong nakikita kang umiiyak" humihikbing saad nito. Huminga muna ako ng malalim bago hinarap siya. "S-sorry rin alam ko naman wala akong karapatan mag selos eh, pero prino-protektahan ko lang naman ang sa akin. I hate sharing what is mine" parang batang saad ko. Napakunot naman ang noo niya at nagtatakaang tinignan lamang ako. "A-anong ibig mong sabihin? May alam ka ba tungkol sa nawalang mga alaala ko? tumango ako bago nagsalita. "Oo dahil minsan na akong naging parte nito pero hindi ko maaring sabihin. Hindi ko pwedeng sabihin sayo, kailangan ikaw mismo ang maka-alaala pero huwag kang mag-alala malapit na" malambing na saad ko bago siya niyakap. Hindi na ito nagpumilit pa mag-tanong at hinayaan na lamang ako nito yakapin siya. Humiga kami sa aking kama at sinuklay ko ang kanyang malambot na buhok. "Papa'nong nasabi mong prino-protektahan mo lang ako, a-ano ba relasyon natin noo?" takang tanong pa niya. Napatikhim muna ako bago nagsalita. "M-Mag asawa tayo noon at buntis sa panganay nating anak p-pero kinuha nila ito at inilayo pagkatapos nila tayo paslangin" saad ko. Napakuyom naman ang kanyang mga kamay at ramdam ko ang galit nito. "Mabuti pa matulog na muna tayo, maaga pa tayo bukas" dagdag ko pa. Sandaling naligo ako at tumabi sa kanya para matulog na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD