Enjoy reading! Zaphire's PoV, "Dad, alam mo naman na si Denzel ang ama ni Daphzel. Pero bakit 'di kayo tumanggi sa inalok niyang pagpapatayo ng kompanya sa Baguio?" Tanong ko sa kanya. Narito kami ngayon sa office niya. Kailangan kong sabihin ito sa kanya. Ayokong lumapit pa sa pamilya ko si Denzel. "Pero anak, malaki ang kikitain natin sa ipapatayong kompanya na iyon," sagot niya. Mukhang hindi ko talaga makukumbinsi si daddy. Ang plano ko sana ay huwag ng ituloy ang pagpapatayo ng kompanya sa Baguio. Pero mukhang nakapag decide na si daddy. Napabuntong hininga na lang ako. ——— TUNOG ng cellphone ko ang nagpagising sa akin. Pikit matang hinanap ng kamay ko sa bedside table ang cellphone ko. Nang mahanap ko ay agad kong tiningnan kong sino. Si tita Darcy. "Hello tita?" Sagot ko.

