Enjoy reading! Zaphire's PoV, HANGGANG ngayon ay naka kulong pa rin ako rito sa kwarto. Ako lang mag-isa. Lumabas si Denzel at hindi ko alam kung saan sila pupunta ng anak ko. Basta ang sabi niya lang ay may pupuntahan sila. Tuwing kakain ay dinadalhan lang ako ng kasambahay rito sa kwarto. Ayaw talaga akong palabasin. Inilibot ko ang paningin sa loob ng kwarto ni Denzel. Maraming mga papel at folder ang nagkalat sa lamesa na nasa gilid. Agad akong tumayo at pinuntahan iyon. Hindi naman siguro masama kung titingnan ko ang mga iyon. Kinuha ko ang isang folder na puti. Mayroong tatlong papel na nakalagay sa loob. Hindi ko alam kung bakit ito agad ang kinuha ko. Binasa ko ang unang papel. Pangalan ng kompanya ni daddy ang nakalagay. At ang nakalagay na may-ari ay si Denzel Riveta at hin

