End Hindi ko na naipasok sa utak ko ang pagpasok ni Jiro sa bagahe ko sa kotse niya at ang pagyakap ng mga magulang ko sakin. Ang alam ko nalang ay nandito na kami sa loob ng condo unit niya. Nakatingin lang ako sa seryosong ekspresyon na mukha ni Jiro habang ipinapasok sa isang kwarto ang mga gamit ko. Sinundan ko rin siya. Ang raming nakabarang tanong ngayon sa utak ko at siya lang ang makakasagot nito. "Jiro, para saan itong pagtira ko dito? At ikaw mismo ang nagsuggest? Bakit? Akala ko ba ayaw mong matuloy ang kasalan na 'to? Ba't ganito na?" Nangilid ang luha sa mga mata ko. Tumatakbo ngayon sa utak ko kung anong magiging reaksyon ni Sylver sa oras na nalaman niya ito. Ang tanong, may pakialam pa ba siya sa akin? Wala na Snow. Wag ka nang umasa pa. "Snow, this is for our own goo

