Normal Tahimik lang ako dito sa upuan ko. Katabi ko naman si Sylver. Nakaub-ob lang ang mukha niya sa desk niya habang may headset sa magkabila niyang tenga. Natutuwa ako kahit papano dahil sa kabila ng galit niya ay hindi niya ako iniiwasan. Sa pamamagitan nun, alam kong may puwang parin ako sa puso niya kahit na napakacold niya na sa akin. Kinakausap niya ako pag kinakausap ko siya pero nauuwi naman sa pag-iyak ko Natutukso akong hawakan ang buhok niya ngayon at maramdaman ito sa palad ko pero sinikap kong hindi iyon gawin. Magagalit lang siya. Kinakagat ko ang labi ko lalo na't kada minuto ay napapalingon ako sa kanya. Sumagi bigla sa utak ko ang pagiging makulit niya sakin noon. Yung hindi siya nakikinig sa klase dahil nasa akin ang buo niyang atensyon. Ngayon na wala

