Runaway P.E. class na. Pinasadahan ko ng tingin ang suot kong P.E. Nang masigurado kong maayos ang suot ko ay pinasadahan ko rin ng tingin si Puti na nasa kabilang grupo. Yung kapatid niya panay ang kulit sa kanya. Niyuyugyog siya nito at mukhang pinapangiti. Pati yung iba niyang mga pinsan ay nakikisali narin at mukhang gusto itong pangitiin. Ang hirap pangitiin ng lalaking iyan. Hindi kagaya ng kapatid niya na parating nakapaskil sa mukha yang ngiti niya. Tapos pag nagsasalita may kasama talagang tawa. "Nasan na ba 'yong isa nating kaklase! Pag hindi 'yon dumating mapipilitan talaga tayong magperform nang wala siya!" Narinig kong sabi ng isa kong kaklase. Kulang nga kami ng isa. Nakaadjust na kami doon sa lalaking nagdrop eh. Pero yung makulangan kami ng isa ngayon mukhang mahihir

