Masarap Natapos narin ang napakaboring kong Sembreak. Binuhos ko nalang ang oras ko doon sa kakanood namin ng Disney Princess ni Phoebe. Minsan kung mababagot kaming dalawa mga sarili na naman namin ang pagdidiskatahan namin. Gabi pa lang ay ipinahanda na ni Mommy yung mga uniporme ko. Yung mga luma kong damit na dinala ko doon ay tinitirhan ko ay ipinatapon niya. Wag ko na daw suotin dahil pinapalaundry ko lang. Baka kung ano na daw ang mikrobyong kumapit at magkasakit ako. Wala akong nagawa kundi sumunod nalang. Lahat ngayon ay bago. Pati narin ng gagalawan ko. Mapapalapit ako sa mga babae na 'yon pero hindi ko alam kung mapapalapit rin ako sa kanila. "You ready?" Ngumisi si Mommy habang pinagmamasdan ako sa suot kong uniporme. May kung anong brutch sa gilid ng uniporme

