Autumn Pagkatapos naming manood ng movie ay magkahawak kamay parin kaming lumabas doon. Hindi naman siya nanood eh. Ako lang yung nanood dahil wala siyang ginawa doon sa loob kundi titigan ako at subuan ako ng popcorn. Ang kulit ni Puti. "What now?" tanong ko. "Let's eat." sagot niya. Tumango ako ay hinayaan siyang igiya ako sa paglalakad. Hawak ko parin 'yong box ng popcorn. Di ko magamit 'yong isa kong kamay. Ayaw niya namang bitawan kaya siya parin itong sumusubo sa akin. "This is made of corn! Is this where all your corny words came from?" Humagikhik ako. Hindi naman 'yon mga corny eh. Gusto ko lang talaga siyang asarin. Asar talo kasi. Masyadong seryoso. "Kailangan na talaga nating kumain. Nakakatakot kanang kausap nyebe." Naiiling niyang sabi. Ba't ba hindi mabiro ang lala

