Untold part of Sylver Delafuente Nagkaayos ulit kami. Hindi ko siya matiis eh. Hindi naman nababawasan ang pagmamahal ko sa babaeng ito. Sadyang ang hirap lang talagang hindi ka masaktan. Tangina nakakabading pero pag hindi mo na kayang dalhin talagang mapapaiyak ka nalang. Ilang beses na ba akong napaiyak ng babaeng iyon? Pakiramdam ko mas iyakin pa ako sa kanya. Nagising ako dahil sa nakakabinging malakas na tugtog ng kanta sa tenga ko. Walanghiya pakiramdam ko nabutas yung eardrum ko. Ang sakit sa tenga! Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko pa si Autumn na tumatakbo papasok sa kusina. Yung babaeng 'yon ang hilig talagang mangtrip. Ba't ba gustong gusto nilang naglalaro? Hindi ko talaga maintindihan. Dahil pati si nyebe gusto rin 'yon. Dinaig pa ang isang bata. Si Yui nga hindi

