Sa wakas "Handa kana?" Huminga ako ng malalim sa tanong ni Sylver sa akin. Nakaharap na kami ngayon sa pinto na nag-uugnay sa magulang ko. Nandito sa loob si Mommy. Baka nga pati mga pinsan niya ay nandito rin. "Snow. I'm here. Wala kang gagawin kundi ang sumunod sa magulang mo. Hayaan mo akong lumaban. Baka makasama pa sa kalagayan ng Mommy mo pag nakisali ka." Tumango ako. Naiiyak na naman ako. Hinalikan niya ako sa noo ko. Sandali akong napapikit at ipinagdasal nalang na sana ay kami ang itinakda ng Panginoon. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya nang pinihit niya ang pinto. Dahan dahan niya itong binuksan hanggang tumambad ang imahe naming dalawa sa loob. Ang una kong nakita ay si Mommy na nakahiga sa kama habang nasa gilid niya naman si Dad. Wala dito ang kapatid ko. Per

