Handa ako Huli na para makaisip ng paraan kung paano ko iyon lulusutan dahil gumala na ang tingin ni Mommy sa kabuuan ng condo. Tumayo si Sylver sa sofa. Kitang kita ko kung paano naglanding ang tingin ni Mommy sa kanya. Lahat ng dasal ay nasambit ko na sa utak ko. Lahat ng pwede kong kapitan sa kalooblooban ko para manatiling kalmado ay hindi ata sapat dahil nanginginig talaga ako sa ngayon sa oras na 'to. Hindi ko inaalis ang tingin ko kay Mommy. Ang magiging reaksyon niya. "Good Morning Madame." Yumuko ng bahagya si Sylver. Puno iyon ng paggalang. I've never seen him like that. Pakiramdam ko sa oras na 'to ang laki ng respeto niya sa Mommy ko. Ang taong walang pakialam sa mundo, sa paligid niya ay nagawang maging ganito sa harapan ng Mommy ko. Tinanguan lang siya ni Mommy. Ramdam

