Kabanata 10 | Enjoy

1094 Words
Pagkalabas ko ng hospital ay dumiretso ako sa pag g-grocery. Tila wala ako sa sarili ko at hindi ko masyadong napagtuonan ng pansin ang mga pinamili ko kaya ang ending ay napagalitan ako ni Zoren pagkauwi niya kinagabihan. “Kaya nga may listahan kang dala 'di ba? What was that f*****g for, huh?!” Napayuko ako. Galit na galit siya at mukhang mainit ang ulo. Pagkapasok pa lang niya ay kita ko na 'yon. Mukhang may nangyaring hindi maganda sa trabaho niya tapos dumagdag pa ako. “Sorry po. Babalik na lang po ulit ako bukas para bilhin pa 'yong iba. Nagkataon lang po kasing—” “I don't need to hear your excuses,” sabi niya at nilagpasan ako. Dumiretso siya sa kusina at tinungo ang refrigerator. Isang simpleng maling pagbili ko ng detergent at shower gel lang ang ikinagagalit niya. At 'yong mga hindi ko pala nabili dahil nakaligtaan ko. “What did you do all day? Bakit wala pa tayong dinner?” “Uhh...” What did I do all day? Nagmukmok lang. Iyong feeling na masakit ang puso ko. Kaya parang apektado lahat ng bahagi ng katawan ko. Tinatamad ako at wala akong ganang kumilos. At ngayong umuwi si Zoren ay tila ngayon lang ako nakabalik sa katinuan. Marahas siyang napakamot sa ulo niya sabay gulo sa kanyang buhok. Mariin siyang pumikit na tila pagod na pagod din. “Wala ako sa mood. I need to vent out. Pumasok ka na muna sa kwarto.” “Sorry po,” sabi ko at sinunod na agad ang utos niya. Nahiga ako sa kama niya at hinayaan ang sariling matulala sa kisame. Bakit ba nangyayari 'to? Bakit kailangang may sakit ang nanay ko? It's hereditary I know. Pero kailangan bang ganito kaaga? She's just in her mid-forties. Alam kong marami pa siyang pangarap para sa sarili niya. Para sa akin. Para sa aming dalawa. But she's now bedridden. Ni hindi na nga halos ako nakikita. Hindi na kami nakakapag usap. “Bakit dito lang? Why not on your bed?” Nakarinig ako ng boses ng babae sa labas kaya napabangon ako. Hindi na sumagot si Zoren. At wala na akong iba pang narinig na kasunod sa sinabing 'yon ng babae. Tumayo ako at naglakad palapit sa pintuan. Marahan ko 'yong binuksan at agad na nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Napanganga ako. Hindi ko akalaing kaya niyang gawin 'to kahit nandito ako! “Oh, Zoren...” Hubo't hubad na nakaupo ang babae sa sofa habang nakaangat ang magkalayo niyang nga hita. “f**k!” Nakasandal ang ulo niya sa sandalan ng sofa at pikit ang mata niya habang umuungol. Napalunok ako. Suot pa rin naman ni Zoren ang suit niya pero nakaluhod siya sa sahig habang nakayuko sa gitnang harapan ng babae. Napatakip ako sa bibig ko at agad kong naisarado ang pinto. Dahil sa mabilisan at pagkakataranta ay napalakas 'yon. “What is that? May tao pa ba rito bukod sa ating dalawa? Did you invite more?” Narinig kong tanong ng babae. “Leave,” malamig ang boses na sabi ni Zoren. “What?” pa-histeryang anas ng babae. “Just leave.” “Zoren, are you serious? We're on a middle of something!” “I said leave!” bulyaw ni Zoren na sigurado akong natakot ang babae. Dahil kahit ako ay natakot sa sigaw niyang 'yon. Napabuga ako ng hangin at muling humarap sa pintuan matapos ang ilang sandali. Dahan-dahan ko 'yong binuksan pero nagulat ako nang ang bumungad sa akin ay ang seryosong mukha ni Zoren. “Naninilip ka?” Sumilip ako sa likuran niya at nakumpirmang umalis na nga ang babae. Bakit niya pinaalis? Halata namang nag e-enjoy silang dalawa sa ginagawa nila. “What are you doing?” Tumingala ako at nagbalik ng tingin sa kanya. “Bakit mo pinaalis 'yong babae? Halata namang hindi pa kayo tapos.” Pasinghal siyang natawa saka binuksan ng maayos ang pintuan. Pumasok siya sa loob ng kwarto at agad akong nilagpasan. “What you did is something you shouldn’t do, Melissa,” sabi pa niya. Dumiretso siya sa banyo at agad na nag toothbrush. Naiwan niyang bukas ang pintuan kaya nakita ko kung anong ginagawa niya. “Pasensya na. Hindi ko naman intensyon 'yon.” Hindi niya ako sinagot. Ilang sandali lang ay natapos na siya sa pagt-toothbrush at agad din siyang lumabas. Ang akala ko ay lalagpasan niya akong muli kaya nanatili ako sa kinatatayuan ko. Pero tumigil siya at seryoso akong tinititigan. “Alam mo bang na-isturbo mo kami?” “Sinabi ko na. Hindi ko intensyon 'yon. Nagulat lang ako nang bigla ay may narinig akong boses ng babae kaya ako sumilip.” Hindi niya ako sinagot. Bagkus ay nanatili lamang ang mga mata niya sa akin. Ilang sandali lang ay bumaba 'yon patungo sa aking labi. Oh no! Napalunok ako. Bakit niya tinitingnan ang labi ko. “I'm hungry and because you disturb us, it is now your responsibility to quench my hunger and make me satisty,” lasing ang boses na sabi niya saka agad na inangkin ang labi ko. Nanlaki ang mga mata ko. Sa gulat ko ay hindi agad ako nakagalaw. Nagsimulang gumalaw ang labi niya at nanatili akong nakatingin sa mga nakapikit niyang mga mata. Hindi ko alam na ganito pala kasarap ang halik. Ito ang kauna-unahang pagkakataong nahalikan ako ng ganito. Kaya pala maraming nasasabik dito kasi ganito pala 'yon kasarap. Ipinasok ni Zoren ang dila niya sa loob ng bibig ko. Napapikit ako. Hindi ko maipalawanag ang pakiramdam. Tila may kung anong nagsisipagliparan sa loob ng tiyan ko. Nakikiliti ako at hindi ko maintindihan kung saang banda ako nakikiliti. Lumapat ang dalawa at malalapad niyang kamay sa likuran ko. Niyayakap niya ako. Napaigtad ako nang pumasok ang mga iyon sa ilalim ng blouse na suot ko. Gumagalaw ang mga 'yon at hinahaplos ang likuran ko paitaas. Gamit ang isang kamay ay natanggal niya ang pagkaka-hook ng bra na suot ko. Agad akong napadilat. Tila nagising mula sa isang napakagandang panaginip. NO! BANGUNGOT! Isa 'yong bangungot na hindi dapat nangyari. Malakas kong itinulak ang dibdib niya dahilan upang matigil siya at mapalayo mula sa akin. Sinampal ko siya ng napakalakas na agad ikinalaki ng kanyang mga mata. Ang akala ko ay magagalit siya. Pero ilang sandali lang ay sumilay ang nakakainsultong ngisi mula sa labi niya. “Even if you slapped me that hard. It still won't deny the fact that you've enjoyed the kiss, Melissa Loyola. Nag enjoy ka sa labi at dila ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD