Dumaan ang ilang buwan at palaging ganon ang nangyayari, bibisita sa umaga bago pumasok at sabay kaming mgbreakfast then babalik sa gabi at sabay sa dinner. Masaya kami, happy ako hanggang dumating ang November 15, 200 at officially naging kami na.
Gabi at pagod galing sa trabaho, dumating sya sa boarding house, ako naman ay nakaabang na sa labas ng pinto kasi kabisado ko na ang oras ng uwi nya.
Daine, tara sa bahay tayo magpahinga, bumili na ko ng dinner natin.
Ha? sa apartment nyo ba? baka anong masabi ng mga tao dun lalo ng kahera mo?
Nsa 3rd floor kasi ang room na inuupahan nya at madadaanan yung kanyang kahera pagpanhik sa hagdan.
Hinde, tara na, kilala ka naman nila.
Nyeh, anong pakilala mo sa kanila?
Eh syempre girlfriend ko. Sabay tawa nya sa akin.
Ungas ka talagang hinayupak ka.
Wala na din akong nagawa dahil hinila na nya ako at malakas sya sa akin kaya nagpaubaya na lang ako kysa makaladkad pa ko sa paglalakad.
Habang daan, nakasalubong namin si Ate Them. San punta mo, gabi na?
Kakain lang po kami ng dinner sa kabilang kanto.
Ah sige, wag magpagabi ha.
Opo ate.
Medyo palatanong talaga si Ate Them lalo at syempre responsibilidad nya kami kasi sa kanila kami nakatira.
Wala pang 7PM, ang aga pa ah. Ungol ni Anthony.
Hayaan mo na, ganun talaga kasi babae po ako tsaka po si Ate ang malalagot sa mga magulag namin pag may nangyari sa mga boarders nya.
Nagkibit balikat lang naman sya habang patuloy kami sa paglalakad.
Pagdating namin sa itaas ay nagbihis sya at bumaba para daw bumili ng softdrinks, pagbalik may bitbit ng alak.
Bakit my alak ka, ang sabi ko?
Ah pampatulog lang ito para madalign makatulog.
So, inaantok ka na pla, kain na tayo pra makapagpahinga ka na.
Inihaw na liempo ang ulam namin at tatlong maiinit na kanin ang inorder nya, After kumain nagpaalam na ako pra makapag pahinga na sya pero pinigilan nya ako at niyakap.
Dito ka muna, sabi nya.
Wait, bakit ka ba nangyayakap? sabay tulak sa knya.
Bigla sya lumungkot. Daine, di mo pa ba ko sasagutin?
Bakit nanliligaw ka ba?
OO, kita mo ng araw araw nga kita dinadalaw. Sa bus pa lang nung makita kita, gusto na kita.
Ha? ano bang sinasabi mo?
Hinde mo ba feel na gusto kita? Ayaw mo ba sa akin?
Ahhhhh, nauuta kong sagot.
Ano, ayaw mo ba sakin?
Guss, gusto kita. Mahina kong sagot.
Ano? ulitin mo nga sinabi mo?
Ahhhh gusto naman kita.
Yessss..... sabay lundag. So, tayo na ha, sabay yakap sakin.
Wait ano ba.
Wala ng bawian, anong tawagan natin?
Ewan ko.
Honey nalang itatawag ko syo ha?
ok.... Sa mga oras na ito ay iba ang nararamdaman ko. Masaya ako pero may takot sa puso ko. Ewan ko ba. Kugn tutuusin nga mula May to November 2000 na lagi kami magkasama akala ko kami na. Kasi sa totoo lang prang official statement ko nalang ang kulang. Ahahhaha. Sya na ang gumagastos ng breakfast at dinner ko everyday.
Nagsimula na sya uminom kasi celebration daw na kami na.
Hinde na dn nya ko pinaalis sa lap nya. Nakaupo sya sa bed nya habang ako naman nakahiga sa hita nya at naglalaro ng brick game nya.
Puro ka naman laro eh, ako muna unahin mo.
Ay grabe, ubusin mo na yan at uuwi na ko, kasi 8PM na.
Wag na, dito ka na matulog.
Uy ano ka, hinde pede noh, papagalitan ako ni Ate Them.
Eh di pag pinalayas ka, dito ka na tumira.
Ungas.
Seryoso ko.
Eh ano ka, wala pa kong balak mag-asawa noh, ang bata ko pa kaya.
Ako nsa edad na ko kaya kitang buhayin.
Eh basta ayoko pa.