JAMES’S P.O.V. LIMA, LIMANG TAON na ang lumipas ngunit hindi pa rin gumigising si Gabriella. Thirty six years old na ako, habang siya ay nasa twenty four years old na, ngunit hindi naman niya ito alam. May nagsasabi na pagpahingahin ko na raw at pakawalan siya, ngunit hindi ko sila pinapansin. Dahil alam ko na hindi ako iiwan ni Gabriella. “Sweetheart, hindi ka pa ba gigising? Miss na miss ko na ang boses mo, ang yakap mo, ang halik mo, at ’yong ngiti mo. Please naman, gumising ka na, ha? Alam mo ba nag-aaral na ang kambal. Five years and two months old na sila . . .” pagkwento ko kay Gabriella na natutulog pa rin. Gaya ng dati, machine lamang ang sumasagot sa akin. Pero pilit ko pa rin itong kinakausap, dahil sabi raw ay baka marinig nito ang boses ko at bumalik siya sa amin. No’ng mga

