NARRATOR’S P.O.V. LUMULUHA AT NAGMAMADALING umalis si James sa opisina niya. Nangangatog pa ang mga kamay niya habang sinususian ang kotse. Nang maisusi ay agad niyang binuhay ito at pinasibat para pumunta ng hospital niya kung saan dinala ni Mark ang mag-iina niya. Kumakabog ang dibdib niya sa kaba, hindi niya kayang isipin na heto na naman, nauulit na naman ang takot niya. Dati ay gustong-gusto niya ang hospital, pero ngayon ay hindi niya alam kung may puwang pa ba iyon. Pagpasok ni James sa opisina ay tumuloy agad siya sa table para umpisahan ang paper works niya para maaga siyang matapos. Ayaw niya muna talagang pumasok, ngunit alam niya na wala siyang laban kapag si Gabriella na mismo ang mag-utos sa kanya. Tama nga siguro ang lagi niyang naririnig sa mga kolokoy na sila Nelson.

