MICHELLE’S P.O.V. MULA SA VERANDA ay nakasilip ako sa nakatalikod na kasintahan ng anak ko. Hindi ko naman gustong gawin sa kanya iyon, ngunit kailangan siyang maalis sa landas ng anak ko. May babaeng mas nararapat para kay James, iyon ay si Stella Samson—ang dating pinangakuan ni James na pakakasalan niya. Nabigla nga kami nang malaman na may binabahay raw ito, tapos ay buntis pa pala sa anak ko. Hindi maaring mabali ang naipangako ng anak ko dahil tiyak na masasaktan si Stella kapag nalaman niya iyon. Napakabait na bata ni Stella at laging pumupunta rito iyon upang makabalita kung nakabalik na ba ang anak ko. Kaya, kahit na ayaw kong pahirapan itong babaeng ito, kailangan kong gawin. Hindi naman malalaman ng anak ko ito at titiyakin ko iyon. “Señora! Señora!” tawag sa akin na si Mari

