♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢ Chapter One Hundred Two ︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎ Allison's P.O.V. Nakita ko si Yuwi na nakatayo sa dulo sa tabi ng rebulto ng itim na ibon. Nakasuot s'ya ng itim na damit at puting neck tie. May lalaking nakatayo rin sa kabilang side n'ya na hanggang baiwang ang itim na buhok at nakasuot ng mahabang damit na kulay puti. Napatingin ako sa kisame na kinakatayuan ko. Gawa ito sa glass at kitang kita ko ang labas. Wala na ang araw. Gabi na. "Whoo, Whoo, Whoo!" Narinig ko ang sigawan ng mga Kiruwa Clan. Nag-eecho ang boses nila dito sa mansyon. Sunod-sunod ang sigaw nila na para bang nagkakatuwan ang mga ito. Unti-unti kong binalik ang tingin kay Yuwi na nakangiti sa dulo habang nakatingin sa akin. "Oliver.." mahina kong tawag kay Oliver at pumikit. "Help me. I'm

