︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎ Chapter One Hundred Nine ︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎ Clariffaye's P.O.V. "Where the hell do you think you're going?" Napatigil ako sa paglabas ng kwarto ko nang marinig ko ang galit na boses ni Mommy. Narinig ko ang tunog ng sapatos n'ya papalapit sa akin hanggang sa nakatayo na ito sa harap ko. Napayuko ako at napakagat sa labi ko. "Answer me, Clariffaye," madiin n'yang sabi. "I.. Gusto kong puntahan si Jace," nakayuko kong sabi. "Jace again?" tanong nito at tumawa. "He's already gone, my daughter." "I know," mahina kong sabi at napahawak sa tyan ko. Hindi ko parin nasasabi kila Mommy Mia at Kuya Hiiro ang lagay ko ngayon. Natatakot ako sa magiging reaksyon ni Mommy. Natatakot ako sa kung anong puwede n'yang gawin lalo na't mag-isa n

