Tanghalian nang binulabog kami ng triplets. Agad akong kinabahan dahil sa hitsura pa lang ni Kian ay halatang may masamang nangyari. Sa tatlo kasi ay siya ang di marunong magpigil ng galit na nararamdaman kaya sa nagngangalit niyang mga ngipin ay siguradong malapit na itong sumabog sa galit. "May bomb treat na nangyari sa Carson Hotel," kalmadong pahayag ni Kevin. Halata agad ang pagkabahala sa mukha ni Zach dahil ang CH ang isa sa pinakamalaking negosyo nag mga Carson na pinamahalaan ni Daddy. Ito rin ang nagsisilbing simbolo ng kapangyarihan ng mga Carson dito sa Pilipinas. Malaki ang epekto ng bomb treat kung sakali sa safety at credibility ng hotel. "Ilang mga malalaking investor din ang nagpull-out ng investment nila sa Carson Builders," kuyom ang kamaong dagdag ni Kian. Ang C

