Kabanata 2

1392 Words
Today is Saturday and today is going to be my first day working for the Salvatore's. Mr. and Mrs. Salvatore said na weekends lang daw ako mag-work ng whole day. Kapag weekdays, after class nalang daw para hindi ako ma-stress sa time management. But since bakasyon namin, I'll be working everyday for them for the whole day except Sundays. One of the reasons why I'm tempted to work for them.  I'm getting ready for my first day with the Salvatore's. I chose to wear the new shirt and leggings Mom bought. Both of them we're in dark colors so it won't get dirty since I'm going to clean. I put on some powder on my face and applied lip gloss on my lips.  After getting ready, I went out and started walking. Malapit lang sa amin ang mansion ng mga Salvatore. Walking distance, kumbaga. Dagdag gasto lang kung mag-tricycle pa ako papunta doon. Mabuti na kung lakarin ko nalang, exercise na, makakasave pa ako.  Halos sampung minuto ang nilakad ko papunta sa mga Salvatore. Mabuti nalang talaga at hindi masyadong mainit at hindi ako pinawisan sa paglalakad ko. Salamat, Sabado! Ang ganda ng bungad mo sakin. Fresh start for a wonderful day! "Hi po, good morning! Si Zani po!" I greeted kuya guard.  "Ay, Miss Zani! Magandang umaga rin!" He said joyfully bago ako pinagbuksan ng gate. "Pasok po kayo, miss. Gising napo sila sir Rael at Maam Mathilda." Nakangiting sabi niya sa akin. Ang bait talaga ng mga tao dito sa bahay nila. Naka-usap ko na din kasi 'yung ibang trabahante dito, ang babait nila! Mukhang ma-o-op ang isang tulad 'kong maldita dito, eh!  "Salamat, po! Pasok na po ako." Pumasok na ako matapos pagbuksan ni Kuya.  I greeted everyone that I get to pass by while I was on my way inside.  "Oh, hija! Nandito kana pala! Halika na't pumasok na. Kakagising lang ng mga amo mo, 'yong mga bata ay tulog pa." Pinapasok na ako ni Manang Lucy (ang Mayordama) at iginaya papunta sa back graden kung saan naroon ang mag-asawa. First time ko palang makapasok sa loob ng bahay mismo ng mga Salvatore. Noong nag-apply kasi ako last week, hanggang sa front garden lang nila ako. Mas mapayapa kasi kung doon kami mag-usap dahil sariwa ang hangin. Hindi ko mapigilang mapanganga sa hanga dahil sa nakikita ko ngayon. Living room palang nila, buong bahay na namin! Grabeng yaman naman yan, pwedeng pahingi? Nang dumating na kami sa back garden, nadatnan namin ang mag-asawnag Salvatore na umiinom ng kape habang nagchichikahan. Narinig ko rin ang hagikhik ni Maam Mathilda.   Hay, ang bata kong puso ay naiinggit nanaman. Lintek na pag-ibig yan. Kahit crush ko nga (hindi si Avi pinaparinggan ko, ha) hindi ako pinapansin. Paano na lang 'yung napaka-ganda kong lahi? Sayang 'yung genes ko kapag hindi lang naman pala ako magkakajowa!  "Magandang umaga, Mathilda at Rael. Nandito na si Zani." Sabi ni Manang Lucy dahilan kung bakit naputol ang pag-uusap ng mag-asawa at nilingon kami ng may malaking ngitI sa mga labi nila. "Zani, dear, good morning!" Maam Mathilda said and stood up to kiss me on my cheeks. Hindi ko alam kung ganito ba talaga si Maam Mathilda sa lahat kung may binabati pero ang sweet lang ng gesture niya.  Kahit shocked ako konti, binati ko rin pabalik si Maam. "Good morning din, Maam, Sir!" I said with a big smile on my lips.  Maam Mathilda giggled. "This is what I like about you talaga, Zani dear. You're so cheerful! I just hope my baby Michelle will be okay with you. That 2-year old is such a meanie!" Sabi ni Maam Mathilda habang nakabusangot. "And also, please do not call us Maam or Sir, okay? Tita and Tito will do!" She said smiling,  gone the sneering look on her face. Kahit medyo naiilang ako, I still smiled and nodded, "Okay po, tita and tito." Ngumiti ang mag-asawa dahil sa sinabi ko.  "O 'sya, I'll tour you around the house na." Sabi ni Tita Mathilda.  Pumasok kami ulit sa loob ng bahay para ma tour ako ni Tita. Dahil sobrang laki ng bahay nila, halos trenta minutos ang tinagal namin sa first floor. Mayroong dalawnag palapag ang bahay ng mga Salvatore, pero anong silbi ng dalawang palapag kung sobrang taas naman ng mga ding-ding nila dito? Kurtina palang nila, kasing taas na ng kahoy! Paano kaya ito nalalabhan? Naku! Hassle masyado! In-explain sakin ni Tita Mathilda kung ilang rooms mayroon ang second floor. 8 daw.  8. 8?! Sure na yan?! Kami nga, nagkakasiksikan pa sa isang napaka-sikip na kwarto! Grabe. Hindi ako makakahinga nito sa hanga, eh.  Bakit 8 rooms? 1 - Master bedroom. 1 - Avi's room (mapasukan nga ito mamaya, hihihi). 1 - Baby Michelle's room. 5 - Guest rooms. 1 + 1 + 1 + 5 = 8. Mahal na mahal ata nila ang mga bisita nila, 'no? Hays, sana all nalang. "And also, hija. May pinapagawa kaming kwarto para sayo dito sa second floor. Incase dito ka matutulog, hindi na abala dahil may sarili kanang room." Ngiting-ngiti si Maam--I mean Tita Mathilda ng sabihin niya skain 'yon. Hindi parin tlaag ako nasasanay na tawagin siyang Tita, pati narin si Tito. Pero teka, wait. Tama ba iyong nadinig ko?  May sarili akong kwarto?! As in, pinagawan ako?!  "P-po?" Nalilito kong tanong. "Hindi na po sana kayo nag-abala pa, Tita, Tito. Dagdag gastos lang po iyon!" Nahihiya kong sabi.  Narinig kong tumawa nag mag-asawa dahil sa sinabi ko. "Naku, hija. 'Wag kang mag-alala dahil may budget naman kami para sa ganitong bagay. At tsaka, pagbigyan mo nalang din ang Tita mo." Natatawang sabi ni Tito Rael.  Ngumuso si Tita Mathilda. "Oo nga, Zani dear. I even chose the design for you. Do you like the color of peaches ba, hija? That's the color of your room!" Ani Tita Mathilda habang nakangiti. "I'll bring you with me soon, hija, if I'll buy furniture for your room! I'm guessing it will be finished next week. It's just beside baby Michelle's room." She said. Lord, seryoso po ba lahat ng ito ngayon? Pakisampal po ako kung panaginip lang lahat ng 'to. Natapos ang pag-iisip ko ng naramdaman kong parang may tumapik sa pisngi ko.  "Tulala ka, Zani dear?" Naka-ngiting sabi ni Tita Mathilda.  Napakurap-kurap ako bago ngumiti. "Shock lang slight, Tita." Tumawa kami ni Tita dahil doon. "Pero Tita, hindi ba parang ang laking gasto na 'kung gagawan ako ng kwarto? I mean, naa-appreciate ko naman po pero---" Hindi ko naituloy 'yong sasabihin ko sana dahil may biglang bumukas na kwarto.  Omg! It's Avi! My inspiration!  Tumikhim siya dahilan kung bakit napabaling ang atensyon namin sakanya.  "Good morning? Sorry for the disturbance." He said and smiled shyly.   His proud and deep dimples showed when he smiled. Damn. Nalulunod na ako sa mga dimples niyang sobrang lalim!  Ngumiti ang mag-asawa at sabay-sabay na lumapit sa anak nila at binati rin ito. "Good morning, anak. How's your sleep?" Tita Mathilda said as she kissed her son's cheek. Pwedeng ako rin, pa-kiss?  "'Twas fine, Mom, Dad." He said as he kissed his parents too.  Saan kiss ko? Ang daya! "Oh, by the way, hijo. This is Zani. I believe magkakilala na kayo? You go to the same university together for high school, tama?" Tito Rael said.  Tiningnan ako ni Avi bago tumango. "Grade 9 - Platonic?" I nodded and smiled. That was my section when I was in Grade 9. Hindi niya na ako naabutan noong Grade 10 na ako dahil graduate na sya non.  "I know her. What is she doing here?" He asked curiously.  Ouch, para namang ayaw mong nandito ako ha?  "She's going to work here. Clean, help and babysit Michelle." Tita Mathi smiled as she said that.  Yes, I don't clean only. Dahil marami narin namang taga-linis at helper ang pamilya dito, kapag wala na akong ginagawa ay nilalaan ko yung natitirang time ko para sa bunsong babae sa pamilya nila.  "As schoolmates, I assume you'll be able to help her around the house, Fifth?" Tito asked. Avi, or Fifth, just nodded and smiled. "No problem, Dad." He smiled more before he looked at me."I guess I'll see you more often, Eriz." He smiled. Omg. Did he give me a nickname? OMG. Eriz made my day whole!  I can't wait to spend the whole day with the family! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD