"Ayoko munang umuwi sa bahay..." wika ni Elara sabay pahid ng kaniyang luha. Kumunot ang noo ni Clifford. "Ha? Eh 'di saan kita ihahatid? Sa kaibigan mo?" "Huwag. Aasarin lang ako no'n. Sasabihing mahina pa talaga ako. Ihatid mo na lang ako sa Lodge Inn. Doon na lang ako magpapalipas ng gabi. Lagot ako kay ate Cara kapag nakita niyang ganito ang itsura ko." "Ha? Bakit doon pa? Kung gusto mo, doon ka na lang sa bahay. Ako lang naman mag-isa doon. I-lock mo na lang ang pinto," suhestiyon ng binata. Tumaas ang kilay ni Elara ngunit tumango rin siya. "Sige. Salamat. Pasensya na sa abala, bayaw kong hilaw." Ngumiwi si Clifford. "What? May luto bang bayaw?" "Eh hindi naman kita talaga bayaw. Si kuya Clyde ang bayaw ko. Kaya ikaw, hilaw ka lang." Humagalpak ng tawa si Clifford. "Isip bata

