Kinabukasan, maagang nagising si Elara upang ihanda ang mga dadalhin nilang gamit. Nagising na rin si Clifford at nagtulungan silang dalawa sa pag-aasikaso. Kaya natapos sila kaagad. Kumain muna sila saglit bago inilagay sa sasakyan ang mga dadalhin nila. Kapwa sila nasasabik dalawa sa mga oras na iyon. Kaya hindi mawala sa kanilang mga labi ang malawak na ngiti. "Are you ready?" Matamis na ngumiti si Elara. "Yes! I'm ready!" Inilapit ni Clifford ang kaniyang mukha kay Elara at saka hinalikan sa labi ang dalaga. Aalis silang dalawa ngayon. Pupunta sila sa Baguio para mag-relax at magsaya. Balak sana ni Clifford na sa Ilocos pero sa Baguio ang nais ng dalaga kaya pinagbigyan niya ito. "Let's go, Baguio!" sambit ni Clifford bago pinaandar ang sasakyan. Sa kanilang likuran, nanlilisik a

