Kinabukasan, hindi muna kaagad dumiretso sa kanilang kompanya si Clifford. Nagtungo siya sa bahay ni Janica upang ipaalam na hindi na siya puwedeng gabihin pa ng uwi. "Ayos lang. Naiintindihan ko. Wala kang dapat ipag-alala. Sapat na sa akin na binibigyan mo ng kahit katiting na oras ang anak natin. Masayang-masaya na siya doon. Iyon lang naman ang hiling niya," wika ni Janica bago ngumiti ng tipid. Tumikhim si Clifford. "Pasensya na kayong dalawa. Alam mo naman ang sitwasyon ko. Ginagawa ko lang ang makakaya ko para kahit papaano, maging tatay ako sa kaniya. Pero nakakahalata na ang asawa ko sa pag-uwi ko ng hatinggabi. Mahal na mahal ko ang asawa ko. Kaya kung ano ang gusto niya, susundin ko." Mapait na ngumiti si Janica. Hindi niya maiwasang mainggit sa asawa ni Clifford lalo pa't n

