Pinagmasdan ni Clifford ang natutulog na si Elara. Nagising siya ng madaling araw dahil bigla siyang nauhaw. Masyado niyang ginalingan sa pagbayo kaya naman maraming tubig din ang nawala sa kaniyang katawan dahil pinagpawisan siya ng husto. Naisip niyang bigla ang kaniyang asawa. At nagtataka siya sa kanyang sarili kung bakit wala siyang maramdamang pagsisisi o hindi siya nakokonsensyang nakipagtalik siya sa ibang babae. 'Siguro ayos lang naman ang ganito. Tutal, siya naman pala ang matagal na akong niloloko kaya ganoon na lang din ang gagawin ko sa kaniya. Maglolokohan na lang kaming dalawa ng asawa ko. Ngayon, mas gusto ko pang makasama si Elara at pagsaluhan naming dalawa ang makasalanang gabi kaysa sa sarili kong asawa.' Hinawi niya ang buhok na humarang sa mukha ni Elara at saka si

