"A-Ate..." Nanginginig ang pang-ibabang labi ni Elara nang makaharap na niya ang kaniyang ate Cara. Bakas sa mukha ng kaniyang kapatid ang matinding galit at ramdam niya iyon. "Ano ang ibig sabihin nito, Elara? Niloloko mo lang pala ako? Matagal na pa lang may ganap sa inyo? Panay pa ang deny mo sa akin noon! Pinagmukha mo akong tanga! Wala naman akong ibang hangad sa iyo kundi ang mapaganda ang buhay mo! Tayong dalawa na nga lang ang nandito ngayon tapos ganiyan ka pa!" nangingilid ang luha ni Cara habang nagsasalita. Parang sasabog si Elara sa sobrang hiya dahil sa kaniyang nagawang pagsisinungaling. Plano naman talaga niyang sabihin sa kaniyang ate ang relasyon nilang dalawa ni Clifford. Naghahanap lang talaga siya ng tiyempo. Hindi naman niya akalain na malalaman kaagad ng ate niya

