"Honey, aalis na muna ako. Tutulungan ko lang si daddy," wika ni Lara sabay halik sa pisngi ng kaniyang asawa. Bumuntong hininga si Clifford. "Sige, mag-iingat ka. Maglalakad-lakad na lang muna ako sa labas para makapaglibang." Tipid na ngumiti si Lara. Alam niyang buryong-buryo na si Clifford sa lugar na iyon. Kahit siya, hindi makatagal ng isang linggo doon. Hindi naman niya puwedeng ilabas sa sila ang asawa niya dahil magagalit ang daddy niya. At maaaring mahanap pa ng mga tauhan ng kambal nito si Clifford. Kaya dapat nandoon lamang siya. Para siyang nakakulong sa isang malayo at tagong isla. "Ahm... puwede ka ring makipag-usap sa kahit na sino. Kahit babae pa iyan o lalaki," aniya sabay ngiti ng tipid. Namilog ng bahagya ang mga mata ni Clifford. "Sigurado ka? Kahit babae, puwede

