"Kung umamin na kaya ako kay Elara na gusto ko siya?" biglang sabi ni Clifford. Niyaya na lang niyang makipag-inuman ang kaibigan niyang si Rain dahil sa labis na selos. Baka kasi hindi niya mapigilan ang sarili niyang magsalita ng kung ano kapag nagkita sila ni Elara. Magpapalamig muna siya ng ulo at idadaan sa alak ang kaniyang nararamdaman. Muntik nang masamid si Rain. "Ano?! Tanga ka ba?! Kapag ginawa mo iyon, iiwasan ka na ni Elara! Dahil ang usapan niyo, walang mahuhulog sa isa't isa tapos ikaw? Ano na? Ikaw pa mismo ang nahulog sa kaniya! Kinain mo lang ang sinabi mo! Hindi ka gusto ni Elara. Wala siyang nararamdaman sa iyo. Talagang gusto niya lang na makipag-séx sa iyo. Iyon lang iyon!" "Paano mo nasabing hindi niya ako gusto?" “Hindi ba noong nakaraan, pinilit mo ang sarili m

