CHAPTER 1

1133 Words
Isang malakas na hangin ang dumampi sa kanyang mga balat. Kalalabas lang kasi niya ng eroplano. Agad siyang tumingin-tingin sa paligid at napa-isip. Ito na nga yun, nakabalik na nga siya. Hindi niya alam kung bakit bumalik pa siya rito. Para kasing may humihila sa kanya pabalik sa lugar na ito. Pero ayaw niya nang isipin ang mga bumabagabag sa kanyang isipan. Ang iniisip niya lang ngayon ay kung ano ang maaaring mangyari sa kanya ngayong nakabalik na siya. Palakad-lakad siya ngayon at tumingin-tingin ulit sa paligid. Hinahanap niya ang kanyang sundo. Habang naghahanap siya, biglang may nagsalita naman sa tabi niya. "Welcome back young mistress. I'm Chris Lee, one of the butlers of your family. I will be the one to take you home." Sabi ng isang lalaking naka pormal na kasuotan. Agad siyang napatingin sa nagsalita, sinusuri kung ito na ba yun. At nakita niyang may isang magarbong sasakyan sa harapan nila, isang pamilyar na sasakyan. Nag-patuloy siya sa paglalakad papuntang sasakyan. Agad naman siyang pinagbuksan ng butler. "Young master Zhiro and young mistress Zyla were excited about the news that you came back. They can't wait to see you again young mistress." Sabi ng butler habang nagbabyahe, pero hindi niya ito pinansin. Patuloy lang siya sa pagtingin sa labas ng sasakyan. This place changed a lot, isip niya. Napakaraming mga buildings ang nakapalibot sa kanilang dinadaanan. Hindi tulad noong bata pa siya na puro halaman at mga puno lang ang bumubuhay sa paligid. "Young mistress, you look even more beautiful compared to your younger age. I'm just a new butler but I already saw one of your old pictures." Sabi ulit ng butler. "Would you shut up? I don't need your compliment." Agad namang nagulat ang butler kaya nanahimik na lang ito at nagpatuloy sa pagmamaneho. Makalipas ang ilang minuto, nakarating din sila sa kanilang destinasyon. Hindi na niya hinintay na pagbuksan siya kaya agad itong lumabas ng sasakyan. Pagod siya galing byahe kaya nagmamadali itong pumasok ng mansion para magpahinga. Ipinasok naman ng butler ang kanyang mga gamit sa loob ng mansion. Isang magarbong mga gamit at mga palamuti na nakasabit sa lahat ng mga bintana at kisame ng mansion. Maliban sa mga butlers, maraming maids ang nakahilira sa gilid para batiin ang mga bisita. Sa sobrang garbo ng mansion tila parang isang kastilo na ito. "Welcome home young mistress Ziah." Sabay-sabay na sabi ng mga maids at ng mga ibang butlers na nakabantay sa gilid. Sabay-sabay din silang yumuko bilang pagbati at respeto. Tinignan niya lang ang mga ito at patuloy sa paglakad papuntang elevator. Pagod na pagod na ito kaya nagmamadali itong makapasok sa kanyang silid. Nasa ikaapat na palapag ang mga silid ng mga masters at mistresses. At ang magarbong mansion ay mayroong limang palapag. Habang naglalakad papuntang elevator, nakita siya ng kapatid niyang babae na si Zyla. Nakaupo ito sa sofa habang may binabasang libro. "Look who's here. Welcome back my dear twin sister. Did you miss me?" Nakangiting nakatingin si Zyla sa kanya habang kinakausap siya. Agad itong tumayo para yakapin sana siya pero bigla siyang nagsalita. "No." Walang kabuhay-buhay na sabi niya at lumakad ulit papuntang elevator. Nagulat naman si Zyla sa kanyang sinabi. "Ouch! You're so mean talaga. Hindi ka talaga nagbago." Sabi nito na kunwaring nagtatampo. "I know and I don't care." Malamig na walang kabuhay-buhay ulit na sagot ni Ziah sa kanyang kapatid. Hinayaan na lamang ni Zyla ang kapatid niya at nagpatuloy sa pagbabasa. Sanay na sila sa ugali ni Ziah na walang kabuhay-buhay kausap, kaya madaling makahanap si Ziah ng kaaway kasi sa kanyang ugali. Nang makapasok na si Ziah sa elevator, nakasalubong niya naman ang kapatid niyang lalaki na si Zhiro. Palabas na sana ito ng elevator pero pumasok ulit at kinausap si Ziah. "Ziah! Na miss kita! Salamat at nakabalik kana!" Masiglang sabi ni Zhiro habang nakatingin kay Ziah. Tila bang mapupunit na ang bibig nito sa kakangiti kay Ziah. Sa sobrang saya ni Zhiro, naisipan niyang pisilin ang pisngi ng bunso niyang kapatid na si Ziah. "Lhet goh ob my feyse." Let go of my face. Sabi ni Ziah habang pinipisil ng kuya niya ang kanyang pisngi. Agad namang binitawan ni Zhiro ang pisngi ng bunso niyang kapatid para makapag-salita ito ng maayos. "Opps! Sorry!" Tinignan lamang ni Ziah si Zhiro habang nakangiti pa rin ito sa kanya. Sanay na rin si Ziah sa ikinilos ng kanyang nakakatandang kapatid. Kahit nakakatanda ito sa kanilang tatlo, pinakabata-isip pa rin ito kaysa sa kanilang dalawa. "Ziah, may pasalubong ka ba sa akin?" Tanong ni Zhiro na tila ang mga mata nito ay parang kumikinang na nakatingin kay Ziah. "Wala" Parang binagsakan ng langit ang mukha ni Zhiro sa sagot ni Ziah. Nag'eexpect talaga siyang may dalang pasalubong ang kapatid niya sa kanya. "Ang bad mo talaga Ziah." Naka-pout pang sabi Zhiro kay Ziah pero binalewala lang iyon ng kapatid niya. Hindi na nagsalita pa si Ziah. Pagod na pagod na talaga siya at gusto niya ng humiga sa higaan sa tahimik na lugar. TING! Lumabas na ng elevator si Ziah at iniwan ang kuya niya. Hindi na siya sinundan pa ng kapatid niya dahil alam naman ng kapatid niya na pagod ito galing byahe. Bumalik na lang ulit ang kapatid niya sa elevator habang siya ay nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kanyang silid. Nang makita ni Ziah ang kanyang silid, agad niya itong binuksan at pumasok. Hindi na siya nakapagbihis at biglang humiga sa kanyang higaan sa sobrang pagod galing byahe. Pipikit na sana ang kanyang mga mata nang biglang tumunog ang kanyang selpon. *Cause baby, now we've got bad blood.. You know it used to be mad love.. So take a look what you've done.. Cause baby, now we've got bad blood, hey!* "Hello." Walang kabuhay-buhay na sagot niya sa tumatawag. [My dear daughter. I already talked to your brother and he said nakauwi kana. Jetlag?] Tanong ng isang matandang lalaki at ito ang kanyang ama. "Isn't obvious, Father?" Napahikab pa siya habang kausap ang kanyang ama. Kahit sino ang makausap niya, kahit kapatid, ama, palaging ganyan ang kanyang tono. Walang kabuhay-buhay at kung minsan may pagkamasama na tono. Sanay naman ang lahat ng tao na nakakilala sa kanya, maliban na lang sa hindi. [Okay, just be nice my dear daughter. Good bye! Have a nice year in the Philip--] Hindi na pinatapos ni Ziah ang huling sasabihin ng kanyang ama dahil agad niya itong pinatay ang tawag. "What if I don't?" Biglang umangat ang sulok ng labi ni Ziah. Ibig sabihin may mangyayaring hindi ka ganda-ganda. Kung tutuusin ayaw pa niyang umuwi ng Pilipinas, mas gusto niya pang manatili sa Japan. Pag nasa Pilipinas kasi siya, naalala niya yung masamang nangyari noon sa pamilya niya. At baka muling maalala niya kung ano talaga siya noon. I can feel that the older me is coming back, walang kabuhay-buhay sa sabi niya sa kanyang sarili. Agad niyang pinikit ang kanyang mga mata at pinagpatuloy ang kanyang pagpahinga. Kahit siya ay nagpapahinga na dahil sa pagod, nakaramdam siyang may mga mangyayaring hindi niya maaasahan. TO BE CONTINUED.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD