Kabanata 28 Sa ilang milyong tao sa mundo isa daw doon ang nakatadhana para sayo. Maaring nakilala mo na, o pwede ring nakabunggo mo na. Kaya kung wala pa 'yung taong para sa'yo baka natraffic pa sa edsa. O baka dumaan na sya pero pinakawalan mo pa, antayin mong humilira ulit ang mga bituin para sayo. Baka bumalik sya at ngayon manatili na. Pero sa ngayon isa lang ang alam ko walang permanente sa mundo. The only thing that constant in this world is change. "Aya nandito na 'yung pinadeliver nating mga paper. 'Yung ibang flower bouquet pinagawa ko na din. Ayos na din 'yung sa catering."-napatingin ako kay Kleng na hindi magkanda-ugaga sa dala nyang pagkain. Nakakatawang tingnan ang itsura nya. Buntis na kasi sya at five months na rin ang tiyan n'ya. Pero sobrang laki noon sa norm

