Ika-siyam Nagising ako sa masarap na amoy na niluluto ni Ashton. Akala ko tuloy na sa bahay ako nagiihaw lang pala sya ng isda. Eto ang panglimang araw namin sa isla. Parang gusto ko na tuloy tanggapin na hindi na nila kami hahanapin. Nakakatawa pero habang tumatagal mas nagugustohan ko ng sya lang ang kasama. Paglabas ko ay naabutan ko syang abala sa lamesa para sa pagkain namin. Meron na ring nakahain doong buko na mukhang inakyat na naman nya. Napangiti ako ng agad nyang tinigil ang ginagawa at lumapit sa akin. Isang halik ang iginawad nya bago bumati ng magandang umaga. Indeed it's a good morning.. Seeing him walking topless is really the view you wanted to see every morning. "Baby magswimming tayo mamaya..."-gusto ko sana syang asarin na wala namang bago doon. Pero hinayaan

