Kabanata 30 Hindi ko alam kong ilang beses ko na syang pinatahan. Pero hanggang ngayon iyak pa rin sya ng iyak. Hindi ko na alam kong paano ko pa sya patitigilin sa pag-iyak. Hanggang sa makatulog na lang sya kakaiyak tapos gigising at iiyak na naman. Mabuti nalang at malapit lang si Dustin kaya napuntahan agad kami sa mall. "Kumusta sya?" Naupo ako sa harap nya at kinuha ang alak na iniinom nya. Hindi ko alam pero parang sinasakal ako na makita syang ganito. Na makita syang nasasaktan ng husto dahil sa nalaman nya. "Nakatulog na naman sya. Hanggang kailan ko ba sya masasaktan ng ganito?"-frustrated kong tanong kay Dustin. Dahil 'yon ang totoo nasasaktan ko sya ng dahil sa nangyari. "Mabuti naman. Inaayos na namin ang mga kailangan para mahuli si Colleen. Don't worry about her, wo

