Kabanata 12 Hindi ko alam kung ilang buntong-hininga na ang pinakawalan ko habang kaharap si Ashton at Colleen, sa iisang lamesa. I'm sulking like a kid while beside me is the cheerful boyfriend of mine. Barging his achievement that, actually nobody cares. Naramdaman ko ang pagsipa ni Kleng sakin,habang sinasamaan ako ng tingin. Kanina nya pa ako pasimpleng kinukurot, pero hindi ko talaga mapigilang hindi sila tingnan. Parang hinihila ang mata ko ng sariling kuryosidad kung gaano sila kasweet sa isa't isa. "Iha... Aya alam mo bang sobrang ganda ng pagkakaayos mo dito sa venue. Kleng told me about how you prepare this. We really love it."-ngumiti lang ako bilang tugon sa sinabi ni Mrs. Bustarde. Naramdaman kung pinagsalikop ni Clint ang kamay naming dalawa, na nasa ilalim ng lamesa.

