THIRTY TWO Risha Mabigat ang aming mga loob na umuwi ng Nirvana, ngunit alam kong mas magiging mabigat pa ito para kay Callus. Marami siyang kailangang malaman na si Ahma lamang ang tanging makakasagot. Mga tanong na ilang taon na siyang ginawang preso na kailangan nang matuldukan ngayon. The moment we reached Mayhem where Lilian is staying, I let Callus know what I learned about his grandma...hoping that they could fix it before we all go home to Claivan. Humugot siya ng malalim na hininga matapos marinig ang nalaman ko mula kay Mama. Napaupo siya sa silya sa labas ng bahay ni Quira saka niya ako hinapit at niyakap sa baywang. Ibinaon niya roon ang kanyang mukha na tila isang batang naghahanap ng masasandalan. Hinaplos ko ang kanyang buhok at ipinaramdam na narito lamang ako para

