TWENTY SIX Risha "There. Pareho na tayo." Nakangiti kong sabi kay Lilian matapos kong maitirintas ang buhok niya. She gave me a wide smile before turning around to hug me. Hindi ko maiwasang mapahugot ng hininga. Ginantihan ko ang yakap niya saka ko siya hinalikan sa tuktok ng kanyang ulo. I missed her. Sino nga ba namang hindi nagmamahal sa ganito kalambing na bata? She deserves to be love more than anyone else. Bumukas ang pinto at nabaling doon ang atensyon namin ni Lilian. Si Callus ay sumandal sa frame ng pinto habang nakahalukipkip at matipid na nakangiti sa amin ng anak niya. "How was your sleep last night, Lil?" Tanong ni Callus sa bata. Kumalas ng yakap si Lil at nagkuyakoy. "Mmm. I woke up early, Daddy." "Really? Why?" Kunot-noong tanong ni Cal. "Because I heard Ahm

